[ 3 message received]
[105 missed calls][Nasaan ka ba anak? Umuwi ka na]
[Naiintindihan ka namin anak, bumalik ka na at mag usap tayo.]
[Kami ang kasama mo sa mga problema mo. Maaari mo bang sabihin kung nasaan ka? Para sa kapanatagan namin]
Napabuntong hininga nalang ako nang makita ko ang notification sa aking phone. Hindi ko alam kung paano nalaman ni mama itong number kong ito.
I just blocked her. Magpapalit na naman ako ng simcard. Ang kagandahan dito sa Pinas ay pwede kang mag multiple sim number.
Hindi ko pa kaya ang magkaroon ng interaction kanino man sa Maynila, kahit sa mga magulang ko. I just want to be alone.
Iniwan ko sila mama dahil kailangan kong ipaglaban ang sarili ko. Hindi man nila sabihin alam kong merong pagdududa ang tingin nila sa akin. I needed to leave for my sake.
Tinapos ko na ang trabaho ko, pagkatapos ay maghapon akong natulog. Kinagabihan ay napagdesisyunan kong lumabas. Buhay ang mga bar sa gabi, pati ang night market dahil dinadagsa yun ng mga turista.
Binalikan ko ang resto bar na pinuntahan namin ni Nico nung nakaraan. Hindi masyadong madami ang mga tao. May mga gig at inuman pero hindi magulo.
Old school ang genre ng tugtugin ngayon.
"Huy!" Naramdaman ko ang bahagyang pag tapik sa aking balikat. Nang lingunin ko iyon, bumungad sa akin ang anak ng Landlord ko, si Cath.
"Uy. Mag isa ka?"
"Actually sinundan kita. Gabi na e."
Tumawa ako ng bahagya. "Ano ka ba, hindi naman ako bata e. Alam ko na naman ang umuwi."
"Kahit pa. Saka gusto ko rin gumimik" Umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Pwede na ba kita maging ate?"
"Ha? Bakit ilang taon ka na ba?"
"Mag-twentytwo na ngayong taon"
"Wala ka bang ate?" natatawang tanong ko.
"Wala e. Unica hija"
"Osiya' papayag ako basta may kapalit."
Ngumiwi siya. "Ano ba 'yon, ate?"
"Isang redhorse" Lumawak ang ngiti niya saka tumango.
Nagsimula siyang tumungga ng redhorse. Malakas pala uminom ang batang ito. Napangiwi nalang ako nang bigla siyang humikbi. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Basta mga babae iyakin sa inuman.
"A..alam ko sa sarili ko na..bbinigay ko lahat sa.. sa.. review na 'yan. S-sino ba may gusto nun? Edi shi mama!" Kinuha ko na sa kanya yung bote.
"P-pangalawang fail ko na i..to sa bboard... hindi ba para sa akin?" Mas lalo pa siyang humagulgol. Nilabas ko yung panyo sa bulsa ng pants ko para itakip sa bibig niya.
Hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya dahil sa panyo. Maya maya pa ay bumagsak na siya sa lamesa at natulog. Napabuga ako ng hangin.
BINABASA MO ANG
BAKA SAKALI
RomansaAgatha thought she will settle a life in Manila. She already have her business growing--bought a house for her parents, she has been so dependent to her family ever since young. But she never thought she could find a life up the hills, she found her...