L A V
"HELLO!" masigla kong bati sa kanya pero hindi niya ako pinansin at pinikit ulit ang mga mata. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya habang may malapad na ngiti para sa kanya. I need to be positive dahil nakakahawa ang pagiging positive ng isang tao so kapag nasa paligid ko ang mga pasyente ko kailangan positive ako palagi.
"Sandali lang ako dito. Papakilala ko lang sarili okay?" mahinahon kong sabi at nag antay ng sagot. Pero hindi parin siya kumibo at nanatiling nakapikit ang mga mata. Tumikhim ako at hindi inalis ang ngiti sa mukha ko.
"Ako si Lavender Jane. Ako muna magbabantay at mag-aalaga sayo pansamantala, okay?" saad ko at sa wakas ay dumilat na siya pero kita ko ang inis sa mga mata niya.
"I don't need someone to take care of me. Leave!" galit niyang sigaw. Napatalon ako ng bahagya dahil sa biglaang niyang sigaw. Hindi ko dinamdam ang pagpapalayas niya sakin dahil alam kong maikli ang pasensya niya. Pero dahil nakapag-pakilala na naman ako iiwan ko muna siya mag-isa. Walang kibo akong lumabas ng room niya at ni-lock ito. Naglakad ako sa tahimik na hallway papunta sa general office namin kung saan kami madalas nakapuwesto kapag wala na kaming ibang gagawin.
"How did it go?" tanong sa akin ni Tracy. Kami lang pala ngayon ang tao dito sa general office mukhang busy yung ibang nurses.
"Maayos naman." nakangiti kong sabi. Kahit pa galit ang pagkausap niya sa akin kanina at least pinansin niya ang presensya ko.
"Did he... Speak to you or did he try anything...?" tanong ni Tracy at pinaupo ako sa tabi niya sa sofa.
"Hmm wala naman siyang ginawa. Pero nagalit siya sa akin dahil in his case ayaw niyang tanggapin ang tulong ng iba." saad ko. Tumango si Tracy at hindi na ulit kumibo. May binabasa siyang mga documents habang ako ay pinagmamasdan ang mga makukulay na isda sa malaking aquarium na pinalagay ni Sir Matthew last week lang.
Antagal ko rin palang nakatitig sa aquarium at nasa sarili kong mundo. Namalayan ko nalang na 40 minutes na ang lumipas kaya lumabas na ako ng General office at hinanda ang mga gamot para kay Mr. Leones. Hindi ko muna siya tatawaging Blade next time nalang kapag medyo ayos na kami. Pagkatapos maayos ang mga gamot para kay Mr. Leones ay nilagay ko ito sa isang tray na may isang baso ng tubig. Lumabas na ako ng medicine room at naglakad papunta sa right wing ng hospital.
"Goodmorning, Ma'am Lavender." magalang na bati sakin ni Patricia ang bagong intern.
"Goodmorning too, Patricia.". binigyan ko siya ng ngiti at nagpatuloy sa paglalakad.
"Lavender!" sigaw sakin ni Manang Marta ang cook sa cafeteria. Napadaan ako sa cafeteria at mukhang ako ang inaantay dahil nakatayo siya sa gilid ng cafeteria entrance.
"Bakit po Manang?" takang tanong ko sakanya. Naghahadali siyang may kinuha sa kitchen at bumalik ng may hawak na tray na may mga pagkain at prutas.
"Para saan po iyan?" tanong ko ulit dahil inabot niya ito sa akin pero nag-umagahan na ako o baka ay ipapamigay niya ito sa akin sa pasyente o ibang nurse.
"Bilin sa akin ni Boss Matthew na magluto para daw kay Patient 033." Saad ni Manang at kumuha siya ng trolley sa loob ng cafeteria at kinuha ang mga bitbit kong tray para mailagay sa trolley. Hindi pa pala nakakain si Mr. Leones? Malapit na mag 9:00 dapat nakapag-umagahan na siya kanina.
YOU ARE READING
Patient 033
RomancePATIENT SERIES 1 - ON GOING Patient 033: Blade Lucius Leone Lavender Jane Salvador is a sweet psychiatric nurse at a mental hospital. Being assigned to a new patient she promised herself to do her very best to help him with his troubles in his mind...