B O Y F R I E N D
FOUR DAYS passed and I felt so happy that Blade is now talking to me! I can call him Blade now dahil kahapon ay bago ako umuwi galing sa room niya ay utos niya sa akin in the most rudest way na tawagin ko nalang daw siyang Blade dahil naiirita raw siya sa 'Mr. Leones'.
Nakikita ko na nag-improve kahit papaano ang condition na niya na ikinasaya ko talaga. Pero hindi ibig sabihin non ay kinakausap na niya ako minsan lang pero halos phrases lang din. Pero ayos lang small steps at a time ang mahalaga ay may progress ang relasyon namin ni Blade.
Nakangiti akong naglalakad sa hallway patungo sa kwarto niya. Excited akong makita siya kahit araw araw ko naman din siya nakikita. Ulit ulit lang din ang mga kaganapan sa buhay ko lunes hanggang sabado ay nasa trabaho ako at pare-pareho ang mga taong nakakasalamuha ko at kapag linggo ay nasa bahay lang ako at same activities lang. Para ngang gusto ko na rin pumasok kapag linggo kahit half day dahil kapag linggo ay iba nag-aasikaso kay Blade isang nurse rin na may 30 years of experience pero sabi sakin ni Sir Matthew ay hindi naman daw iyon pumapasok sa kwarto ng malayo layo na sa pinto at iniiwasan ang lumapit kay Blade.
Sa ilang mga araw na naka-assign ako sa kanya ay wala pa namang malala ang nangyayari. And it's a good thing na hindi umaatake ang IED niya.
"Good Morning Blade!" maligaya kong bati. Nakaupo siya sa kama at nakaharap sa direksyon ng pintuan kaya agad na bumungad sa akin ang nakasimangot niyang mukha. Nagtataka akong lumapit sa kanya at sinusundan niya ang bawat galaw ko.
Sanay na ako ba wala siyang sagot pero para kasing may iba sa kanya ngayon. Para bang may bumabagabag sakanya?
"Is something wrong, Blade?" I ask nicely because even wala siyang tantrums lately ay pwede pa rin siyang biglaang magalit at maging agresibo.
"You're 2 minutes late." madiin ang boses niya at walang emosyon. Napakurap ako don dahil iyon ang ikinagagalit niya. Kinuha na niya ang tray na may pagkain niya at nag-umpisang kumain. Lagi ay mabilis lang siya kahit hindi ko naman siya hinahadali. Binigay ko sa kanya ang mga gamot at ininom niya yon habang nakatingin sa akin ng masama. May nagawa kaya ako? Talaga bang big deal sa kanya ang dalawang minutong late ako? Kung ganon ay sa susunod aagahan ko na ang punta. Nang maiayos ko ang mga gamit ay saka siya ulit nagsalita.
"Do you have a boyfriend?" tanong niya at galit na tumingin sa akin. Pakiramdam ko ay magagalit siya kapag sinabi kong 'yes'. Pero wala siyang dahilan magalit at wala naman talaga akong boyfriend. Pero hindi ko maipaliwanag na para bang may konting saya akong naramdaman. Dahil ba yon sa may pake siya sa buhay ko at another small step ito para sa relationship namin? Nag-uumpisa na mabuo ang mga tanong sa isipan ko na alam kong hindi masasagot any time soon.
"No I dont Blade..." sagot ko sa kanya. Tinalikuran niya ako matapos kong sabihin iyon.
"Leave." utos niya. Sumunod naman ako. Kapag talaga sa tuwing may ganyan siyang mga utos ay ramdam ko talaga ang awtoridad sa boses niya. Sa bagay ay isa siyang boss sa madami at malalaking kompanya. Pero sino ngayon magma-manage ng companies niya? Maybe relative niya or secretary. Hindi ko mapigilan ang maging curious sa kanya.
Dahil sa tuwing makikita ko mga mata niya ay maraming mga nakatago doon. Napaka-misteryoso ng mga mata niya na mala-asul na dagat ang kulay. Hindi naman ako naging ganto ka-curious sa iba kong naging mga pasyente pero parang iba kay Blade.
I know na nakatago ang tunay na Blade somewhere in him. May dahilan kung bakit ba siya naka-admit dito. Hindi ko pa nasasaksihan ang mga outbursts ni Blade at hindi ko alam kung gusto ko ba makita iyon. Pero sabi sa akin ni Sir Matthew ay mas mabuti daw na huwag ako ang mapagbuntunan niya ng galit.
Napahinto ako sa paglalakad ng biglang sumulpot si Sir Matthew galing sa right hallway na papuntang security room. Malapad na nakangiti sa akin si Sir Matthew at binati ko siya ng magalang. Siya ang in charge sa buong hospital at ang may ari ng hospital na ito ay once in a blue moon lang raw kung bumisita rito. Kahit kailan ay hindi ko pa siya name-meet.
"Well hello there Lavender! Things going great with Mr. Leones?" tanong niya at tumango akong may ngiti dahil unti unti rin naman kami nagkakamabutihan ni Blade.
"That's lovely to hear. But let me warn you to don't get too close to him. A friend of his informed me that obsessive love disorder is kind of a curse to their bloodline. Crazy right? But he said it wasn't inherited just you know affected child development and stuff. Wouldn't want you to have Patient 033 as your stalker would we?" tumawa siya at tinapik ang balikat ko. Pagkatapos ay naglakad na siya paalis habang ang kamay ay nasa bulsa ng doctor's robe niya at sumisipol pa.
Naiwan akong nakatayo doon at iniisip ang mga sinabi niya. Kung magkakaganoon man si Blade ng OLD pero sana ay hindi ay hindi naman siguro ako ang magiging obsession niya. Hindi siya namamana pero sabi ni Sir Matthew ay child development problems? Wala na rin naman ibang binigay na information sa akin si Sir Matthew about kay Blade. So wala akong ideya sa nakaraan ni Blade.
Habang tumatagal ay mas lalo tumitindi ang kagustuhan kong mas makilala si Blade. Gusto ko malaman kung ano ang nararamdaman niya sa likod ng walang emosyon niyang mga mata.
YOU ARE READING
Patient 033
RomancePATIENT SERIES 1 - ON GOING Patient 033: Blade Lucius Leone Lavender Jane Salvador is a sweet psychiatric nurse at a mental hospital. Being assigned to a new patient she promised herself to do her very best to help him with his troubles in his mind...