002

1.4K 38 0
                                    

S T E V E N

DALAWANG ARAW na ang nakalipas at sinusubukan ko talagang maging acquaintance kahit papano kay Mr. Leones. Pero malamig parin ang trato niya sakin. Base sa obserbasyon ko ay ayaw niya talagang pinapasok ang ibang tao sa buhay niya at hindi siya madaling magtiwala.

Si Mr. Leones lang ang naka-assign na patient sa akin kaya sa free time ko ay ako na nag-aasikaso sa ibang pasyente kesa na nakatulala ako sa aquarium ng general office.

12:30

Tinignan ko ang oras sa relo ko at kailangan ko ng painumin ng gamot si Mr. Leones. Narating ko ang room 33 at binuksan ang pinto. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang naka-cross ang paa. Hindi rin pala siya nagsusuot ng hospital or damit na pang pasyente dahil ayaw niya. Wala din sinabing dahilan sa akin si Sir Matthew pero sigurado akong nagagawa niya yung gusto niya kasi may kapangyarihan siya at yaman. Wala pa ako gaanong alam sa kanya bukod sa mga details niya sa documents dahil halos labag sa loob niya na kausapin ako lalo na minsan kapag wala siyang choice. Matapos niyang kumain ay ininom na niya ang mga gamot niya. Buti nga at hindi siya tumututol sa pag-inom ng gamot.

Pagkatapos ay niligpit ko na ang mga ginamit at binalik sa trolley at paalis na ng kwarto.

"Lav."

Tawag niya sa akin. Bakit ba lagi nalang niya akong tinatawag kung kailan nakatalikod at paalis na ako ng kwarto. Hindi ba niya pwedeng sabihin na kaagad. Pero okay lang iyon dahil at least ay kinakausap niya ako dahil makakabuti na may kinakausap siyang ibang tao. Hinarap ko siya at tulad ng dati ay wala ulit emosyon ang mukha niya pero mukha parin namang kalmado at hindi parang mags-snap anytime sa galit.

"What's your surname?" tanong niya sa akin. Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon pero deep inside ay natuwa naman ako dahil curious rin pala siya tungkol sa akin.

"Salvador. Lavender Jane Salvador." pakilala ko ulit sa aking sarili sa kanya. Tumango siya isang beses at tinalikuran na ako at saka nahiga ng patagilid. Umalis na ako ng tuluyan sa kwarto niya ng nakangiti dahil kahit konti ay nag-improve ang relationship namin dahil naging curious siya sa isang bagay na tungkol sa akin.

NATAPOS ang shift ko at hindi na ulit ako kinausap pa ni Mr. Leones. Gusto ko siyang tawaging Blade nalang pero hindi pa rin naman kasi kami magkaibigan kaya sa susunod nalang ang first name basis. Pero may nickname na nga siya sa akin. . . Pero dahil lang din iyon sa mahaba raw pangalan ko.

Sa bahay na ako magpapalit ng damit kahit may damit naman na nakahanda sa locker ko. Color green na shirt and pants scrubs at white rubber shoes.

Gabi na mga 9:00 pm dapat ang out ko ay 8:00 pero madami pang inutos sa akin si Sir Matthew kaya ngayon lang ako nakaalis. Naglalakad ako papuntang bayan dahil nandoon ang sakayan. Inaabot ako ng mga walong minuto para makarating sa sakayan dahil madalang ang napapadaan dito sa direction ng Clint's Mind Hospital.

Nakatingin ako sa mga dumadaang kotse at motor sa kalsada ng may tumitigil na isang itim na kotse sa kabilang kalsada. May bumaba sa driver's seat at dahil may poste ng ilaw sa harapan ng pinagparadahan niya at tanaw na tanaw ko ang mukha niya. Ang mukhang pilit kong binabaon sa kasuluk-sulukan ng isipan ko.

"S-steven"

Bulong ko at nanginginig ang boses ko. Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko habang nakatitig sa lalaking nasa kabila lang ng kalsada. Nanlalaki ang mga mata ko na agad na iniwas ang tingin sa kanya. Laking pasalamat ko na hindi niya ako napansin dahil may kausap siya sa cellphone at sa sahig nakatingin.

Nang hindi ko na makaya pang nakatitig sa kanya ay naghahadali akong tumakbo palayo sa kanya. Lumuluha na ang mga mata ko at lumalabo ang mga nasa paligid ko. Pero hindi ako tumitigil sa kakatakbo hanggang sa marating ko ang sakayan ng tricycle at sumakay na ako at nagpahatid sa bahay ko.

Nakatulala ako buong biyahe hanggang sa nakarating na ako sa bahay ko ay pumasok ako sa loob at dumiretso sa aking kwarto. Doon ko hindi napigilan ang mga luha na kumawala sa mga mata ko at walang tigil na tumulo sa pisngi ko.

He's back. . .

Nanginginig ang katawan ko habang hindi ko mapigilan ang mga ala-ala sa mga naranasan ko habang nasa kontrol ni Steven ilang taon na ang nakalipas.

Madaming ideya at kung ano anong senaryo ang pumapasok sa isipan ko sa mga pwedeng mangyari kapag nahanap niya ako. Pero paano kung alam na naman niya kung nasaan ako? Sumiklab ang takot sa isipan ko sa isipin na babalik ulit ako sa mga kamay niya. Pero kilala ko si Steven at hindi na siya  magpapaligoy-ligoy pa. Kung alam niya kung nasaan ako hindi siya magsasayang ng oras na kunin ulit ako.

Iniisip ko ang mga posibleng mangyayari kapag nahanap niya ako hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-iyak at pag-aalala sa mga susunod na araw ng buhay ko.

Patient 033Where stories live. Discover now