N E W F R I E N D
BUMUNTONG hininga ako habang nakaharap sa salamin at nakatitig sa sarili ko. Ang kulay brown kong mga mata na namana ko sa aking nanay ang pinakapaborito kong bagay sa itsura ko.
Suot ang blue kong t-shirt at ripped jeans ay itinali ko nalang ng two french braids ang hanggang baywang kong buhok. Hindi na ako naglagay ng make up dahil hindi ako mahilig sa mga ganon imbes ay nagpulbos nalang ako. Kinuha ko ang shoulder bag ko at laman nito ay wallet at cell phone.
Lumabas na ako ng bahay at ni-lock ang pinto. Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa Robinson para doon mag-grocery. Sabado ngayon at day off ko at every two weeks ay saka ako nagg-grocery. Nakakalimang libo rin ako kasi bumibili rin ako ng mga baking ingredients dahil tuwing linggo naman ay lagi akong nagba-bake ng cakes, cupcakes, cookies and other desserts. Madalas ay dinadala ko rin ito sa hospital para ibigay sa mga katrabaho ko o sa iba kong mga pasyente at tuwang tuwa sila dahil masarap raw ang gawa ko.
Matapos ang ilang minuto ay nakarating na ako kaya nagbayad na ako at bumaba. Dumiretso ako sa supermarket at kumuha ng cart. Hindi na ako nagli-lista ng bibilhin dahil kung ano lang naman ang makita kong gusto ko ay bibilhin ko dahil ako lang naman ang gagamit.
HALOS PUNO na ang cart ko pero ang kukunin ko nalang ay mga chocolates. At pagkatapos ay uuwi na ako at mamamahinga sa bahay. Pagkarating ko sa chocolate section ay tinignan ko isa isa ang mga ito at nagpapasya kung ano ang bibilhin ko. Matagal din akong nakatitig sa mga yon at nahihirapan magpasya.
"If you can't decide what to buy, I can buy all of this for you. Miss?"
Gulat akong napatingin sa lalaking nasa tabi ko habang may pilyong ngiti sa labi.
"What's your name, Miss?" tanong niya.
"Jane." pakilala ko. Madalas ay kapag hindi ko naman kilala ang tao ay second name ko ang sinasabi ko para narin mas maiksi.
"I'm Jason Blackwood." nilahad niya ang kamay niya at tinanggap ko naman ito. Nag-shake hands at ngumiti ako sa kanya.
"So have you decided what to buy? I can buy all of those for you." nakangisi niyang sabi. Umiling ako at binalik ang tingin sa mga chocolates.
"Not yet..." saad ko habang namimili.
"Want to go for a coffee after?" tanong niya. Alam ko na ang mga gantong tanong at sunod nito ay kundi hook ups ay ligaw. May itsura naman siya matangkad, maputi, singkit at matingkad na berde ang mga mata, naka tshirt siya at kitang kita ang mga tattoo niya sa braso at kamay. Pero kahit na attractive siya ay hindi ako nag-e-entertain ngayon ng mga manliligaw o mga gusto ng one night stands. Madami na rin ang nag-aya sa akin lalo na kapag pupuntang malls or grocery stores pero hindi ko na sila binigyan pa ng pag-asa.
"Ah no thank you. I'm not really into hang outs with strangers." saad ko dahil alam ko na makikipag-flirt lang siya sa akin kaya ayaw ko. Pero ang simple at friendly hang outs ay okay naman sa akin kung kaibigan lang talaga ang gusto niya.
"Are you sure? My treat. I promise it will be a friendly coffee date. Well, I have to ask first if you wanna be friends with me. So do you want to have an incredibly handsome and hot friend like me?" magiliw niyang tanong sa akin habang nakangiti. Sinabi na naman niyang friendly coffee date kaya okay lang sa akin iyon. Ayos lang sa akin ang bagong kaibigan at alam ko ang limitasyon ko lalo na't kapag hindi pa lubusang kilala.
"Okay we're friends now. But it's not because I want an incredibly handsome and hot friend. But because I love making new friends." ngumiti ako sa kanya. Tumawa siya at sabay naman na mag tumunog ang cell phone niya. Kinuha niya ito sa bulsa ng jeans niya at tinignan kung sino ang tumatawag. Sumeryoso ang mukha niya ng tignan ang phone at binalik ang tingin sa akin.
"Hey I gotta go. Let's catch up some other time, yeah?"
Tumango ako at agad siyang umalis ng naghahadali. Bumalik ang tingin ko sa mga chocolates at ilang segundo ay naisip ko na paano kami magca-catch up soon if name lang ng isa't isa ang alam namin. Umiling ako at baka ang ibig niya lang sabihin doon ay kapag nagkita ulit kami at sana nga ay magkasalubong ulit kami sa susunod.
PAGKATAPOS ko mabayaran lahat ng binili ko na umabot sa 4,298 pesos ay dumiretso na ako sa bahay para mamahinga. Nagpalit ako ng pambahay na damit na blue shorts at white tank top. Pumunta akong kusina at inumpisahang ayusin ang mga pinamili ko.
Pagkatapos ayusin lahat at ilagay sa mga organizer at napansin ko na nakalimutan ko palang bumili ng blueberry jam. Blueberry cake ang gusto kong gawin bukas at nakalimutan ko yung pinaka-ingredient. Nagsuot ako ng tshirt at hindi na nagpalit ng short dahil may maliit namang grocery shop dyan lang sa kanto.
Kinuha ko ang wallet ko at lumabas para pumuntang grocery shop. Pagkarating ay hinanap ko kaagad ang fruit section. Kumuha ako ng blueberries at hinanap ang blueberry jam. Eto lang naman ang kulang ko kaya pumila na ako sa counter. Mahaba haba rin ang pila siguro kasi weekends.
"Sis alam mo ba!" tawag ng babaeng nakapila sa harap ko sa baklang nasa harapan niya na nakapila rin. Lumingon sa kanya ito at nagkwentuhan tutal ay mahaba pa ang pila.
"Buntis raw si Aling Ena! Susmeyo sis alam mo bang ang tatay eh ang stepfather raw ni Trisha! Kilala mo ba yon Sandra? Yung papansin nating classmate nung college?" kwento ng babaeng nasa harap ko. Hindi naman sa nakikinig ako sa usap nila sadyang masyadong malakas kaya rinig na rinig ko. At kilala ko rin si Aling Ena sa may apartment siya nakatira di kalayuan sa bahay ko.
"Ay oo Rose kilala ko yon!" saad ni Sandra na may kasamang hampas sa braso ng babaeng nasa harapan na pangalan ay Rose.
"Uy mamshie kamusta na nga pala ang kapatid mong police? Balita ko na-promote yun ah!" tanong ni Rose.
"Ayun nakadistino sa Maynila! Kwento nga niya sa akin ang huling kaso niya na bigla daw na close at very confidential ang mga info. Iyung pagpatay daw kay Mrs. Martini ba yun? Sabi niya eh baliw daw ang anak nun or apo ata ewan pero iyun daw yung pinagbibintangan kasi." kwento ni Sandra at tumango si Rose.
"Eh sa bagay kung baliw ang anak o apo nun eh pwede rin siya ang pumatay." saad naman ni Rose. Hindi rin naman porket baliw eka ang anak o apo ay siya na ang pumatay. Kasi baliw daw so may sakit ito sa pag-iisip at marami posibleng epekto. Pero hindi ko rin alam ang buong kwento kaya pwe-pwede ring siya nga. At kung may sakit sa isip ang apo o anak nung Mrs. Martini ay dapat na dalin ito sa psychiatric ward or hospital depende sa diagnosis ng psychiatrist.
"Nakakapagtaka na matapos dumating ng mga pulis sa crime scene ay kinabukasan ay biglang nag-close ang case. Alam mo yun parang may nagtatakip ng kaso."
"Eh kung ganon ano na nangyari sa anak o apo ni Mrs Martini?" tanong ni Rose.
"Ewan ko ba yun lang kwento ng kapatid ko eh. Nawalan na daw sila ng lead kung anong ganap tungkol sa kasong iyon." Nagkibit-balikat si Sandra. Dalawang tao na parehong may may cart na puno nalang ang nasa harapan niya. Iisa lang kasi ang counter na available kaya matagal.
"Chinika rin sakin ng kapatid ko ang bagong niyang kaso na ang kumidnap daw kay Zoey White ay si Mr. Lucas Rossi. In coma pa daw si Ms. White kaya wala pang pahayag niya at si Mr. Rossi raw ay sapilitang in-admit sa mental hospital kasi may sakit daw sa pag-iisip. Mayaman yun si Mr. Rossi maraming kompanya pero baliw na baliw daw yon kay Ms. White." mahabang kwento ni Sandra.
Si Mr. Rossi base sa kwento niya ay maaring may obsessive love disorder na kung saan ang tao ay obsessed at possessive sa ibang tao na gusto niya. At ang akala ng taong may OLD ay inlove siya sa isang tao pero obsessed lang siya dito. Ang mga ganitong sakit ay maari pa naman maayos wala itong permanenteng gamot pero sa paraan na therapy at pag-inom ng gamot ay mas mako-kontol ng pasyente ang pag-iisip nito at bubuti ang mental niya.
"Grabe ang intense pala ng mga nahahawakang kaso ng brother mo noh. Oh ayan ikaw na next bilis para pagkatapos nito ay bisitahin natin si Mamshie Sam." tinulak naman ni Rose si Sandra dahil siya na ang next.
Pagkatapos nila magbayad ay ako na ang sumunod dahil dalawa lang naman ang binili ko ay mabilis lang kaya bumalik na agad ako ng bahay.
YOU ARE READING
Patient 033
RomancePATIENT SERIES 1 - ON GOING Patient 033: Blade Lucius Leone Lavender Jane Salvador is a sweet psychiatric nurse at a mental hospital. Being assigned to a new patient she promised herself to do her very best to help him with his troubles in his mind...