Chapter 7

1 0 0
                                    

Chapter 7:

BLAIR POV

“Hoy girl, kanina ka pa tulala diyan?”

Bumalik ako sa ulirat at bumaling ang ulo kay Rina na nagtatakang tinignan ako at si Rain naman ay seryoso habang tinitingnan din ako.

“Huh?” kunot ang nuong tanong ko.

Napasampal sa nuo niya si Rina. “Totoo bang ayos kana o baka yung utak mo talaga ang may sira? Bangag ka kasi.” mataray na ani saakin ni Rina napailing naman si Rain sa kaniya at inabutan ako ng binalatang mansanas.

“Kainin mo baka gutom lang.” sabi niya pagbigay sa akin ng mansanas kaya napangiwi ako.

“Anyway gurl, kanina narinig kong usap-usapan yung si fafa Ashton at si Ms. Whoeversheiswillgonnadie—”

“A-anong fafa? At anong sinabi mo? Ms ano?” sunod-sunod kong tanong kay Rina na nagpatigil sa pagsalita niya.

Bored akong tinignan ni Rina. “Hmm... bangag ka nga ata.”

Inirapan ko naman siya. “Bakit ba kasi ang bilis mong magsalita ano?!” nagpameywang pa ako sa kaniya.

She smirked. “Mukha kang matanda. Anyway huwag mo ng pansinin yung fafa, okay? Tinatamad akong mag-explain at Yung sinabing ko... o i mean yung sa babae siya—”

“Ano ba naman yan! Daming satsat, hindi ko naman maintindihan.” reklamo ko sa kaniya kaya pinadilatan niya ako ng mata inikutan ko lang siya ng mata. “Ayusin mo kasi magkwento hindi yung parang buhangin kung magsalita.” dagdag ko pa.

“Tangīna mo, Blair! Nagpapakwento kana nga lang mang-iinsulto kapa.” asik niya saakin. Sinamaan ko rin siya ng tingin.

“Sinabihan ba kitang magkwento ka?” mataray kong tanong.

Magsasalita na sana siya ng dumating ang nurse kaya tumahimik na lang siya ganun din ako.

“Excuse me mga miss pero pwedeng tumahimik kayo, kasi rinig pa ata sa kabilang baryo boses niyo nakakaistorbo napo kayo sa ibang pasyente at staka ayos ka na naman miss... kaya pwede na kayong makaalis.” mataray na sabi saamin ng nurse bago hinawi ang buhok. “Excuse me.” sabi nito bago lumabas ng kwarto.

Napanganga ako sa sinabi ng nurse at sinamaan ng tingin si Rina.

“Ikaw kasi, e!” sabay pa naming asik sa isa't isa.

“Heh! Stop na you two. Mabuti pa at umalis na we, if ayaw niyong masermonan again.” konyong saway saamin ni Rain kaya natawa kaming dalawa ni Rina.

Pagkatapos akong ihatid nila Rina at Rain sa dorm ay bumalik naman sila agad sa room dahil may pasok pa, ako naman ay nananatiling nasa dorm at nakahiga lang. Absent muna ako ngayon, pinagpaalam na naman na ako nina Rain kay Miss Jane ang history profesor namin.

Nakatingin lang ako sa kisame hanggang sa makatulog at nagising lang ng makaramdam ng gutom. Gabi na ng magising ako kaya tulog na sina Rain pero pagpunta ko sa kusina ay nagpasalamat na meron na doong pagkain na mukhang tinira nila Rain para saakin. Napangiti ako at nagsimulang kumain.

“Blair...”

Napatigil ako sa pagnguya ng biglang marinig na may tumawag saakin. Kumunot ang nuo ko at tumingin sa likod. Pero wala namamg tao, malamang tulog na. Pero sino naman yun?

Hindi kona sana iyon papansinin pero tinawag na naman ako kaya sinundan ko kung saan ng gagaling ang boses na iyon. Kahit gabi na ay lumabas ako bitbit ang lampara na nakita ko.

Dinala ako nito sa likod building ng dorm namin. Nagtaka ako ng wala naman roong tao. Nilibot ko pa ang paligid pero wala talaga, wala namang tao sa paligid. Tatalikod na sana ako ng makita ang isang bulto sa pwesto hindi kalayuan sa akin. Sa pagtataka ay pinuntahan ko ito.

“W-who are you?” utal kong tanong pagkakita sa isang babae. Ngumiti ito saakin pero isang ngiting demonyo kaya nanindig ang balahibo ko. Labi lang ang nakikita ko sa babae dahil nakasuot ito ng balabal.

“Ako? Hindi mo ako kilala?” nanunuya ang boses nito at unti unti ay lumapit ito saakin, umatras ako. Tumawa ito bigla ng gamit ang nakakakilabot na boses.

“A-ano bang kailangan mo?! Sino kaba?” pilit kong nilakasan ang sarili kahit na nautal.

“Hmm...” bigla na naman ay tumawa ito. Nagsalubong ang kilay ko. Baliw ba to?

Nagulat ako ng biglang sa isang kislap mata ay naka lutang na ako sa ire at sinasakal ng isang makapangyarihan na enerhiya. Tumingin ako sa babae at siya ang may gawa.

“Hindi mo na ako kilala?! Ikaw! Ikaw ang dahilan ng lahat nato. Kung sana hindi mo ako pinakialaman noon edi sana malaya parin ako.” nakakalibot ang boses nito at domodoble na para bang sinaniban ng masamang espiritu.

Hindi ako makapagsalita at tanging ubo na lang ang lumabas sa bibig ko dahil sinasakal ako nito. Tumulo ang luha ko sa gilid.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blair In Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon