〘 #CWF28 〙
🤍🤍🤍
Text message
Thur, Jun 8, 00:13Yeshua:
Dadaldalin nalang kita dito ha
Pabasa ko nalang sa'yo pag tayo na ulit hahaha
Pagbigyan mo akong umasa kahit ontiYeshua:
Naging tayo 'nung grade 9 na hindi kita niligawan e
Alala mo magkatabi tayo tas sabi mo curious ka pano feeling ng may jowa
E crush kita 'nun onti
Inalok kita kung gusto mo itry ako tas natawa ka pa
Kala mo ba di ako seryoso 'nun hahahaYeshua:
Naging tayo agad 'nun kaya gulat na gulat si Mikee kasi di naman daw parang may something sa'tin 'nun tas biglang tayo na
Sabi mo lang di uso sayo ang ligaw kasi sayang sa orasYeshua:
Pero gusto ko sana iparamdam sa'yo ano feeling ng maligawan kahit na biglaan lang naman na naging tayo
Hindi pa naman talaga seryoso 'nung una
Aaminin ko 'yon
Ikaw rin, di rin naman talaga seryoso 'nung unaYeshua:
Pero ewan ko
Nagtatal e nagugustuhan na kita
Mas trinato kitang girlfriend ko
Kahit halos magkasama tayo lagi sa school at laging nag-uusap 'nun e tanging sa'yo lang attention ko
Sabi ko pa 'nun pag bumagsak ako, ikaw sisisihin ko hahahaftgYeshua:
Lagi akong nakaabang sa kwento mo araw araw
Alam mo bang nakakahawa 'yang saya sa mata mo tuwing nagkwekwento ka
Kwento sa pinanood mong drama, o kung ano ano paYeshua:
Buti nga naging katabi kita
Pano kung iba nakatabi mo, at inalok ka rin
Papayag ka ba?
Ayoko na isipin, nakakasira lang ng moodYeshua:
Nasira na nga talaga mood ko hahahah
Inimagine ko kasi pano kung si Alex nakatabi mo
Hays badtripYeshua:
Di bali
Binasted mo naman 'yon haha
Goodnight, Yen.✄‑‑‑‑‑‑‑‑‑‑‑‑‑‑‑‑
BINABASA MO ANG
Cake With Feelings
ChickLitCake with extra feelings... I mean, fillings; out for delivery!