#29

234 9 0
                                    

〘 #CWF29 〙

🤍🤍🤍
Text message
Fri, Jun 9, 22:45

Yeshua:
San na ba ako sa kwento ko.

Yeshua:
Ay ano
Ang saya na natin 'nun e
Parang totoong gusto mo na nga rin ako
Alala ko pa triny naten magtago sa Ate mo

Yeshua:
Sabi mo kasi 'nun dalhin mo 'ko sa bahay niyo
Mapilit ka na kahit ayaw ko e sumama parin ako hahaha
E papaturo ka lang pala sa Science haha
Pero namaling akala Ate mo kasi sa kwarto mo tayo nag-aral

Yeshua:
Kahit anong ngawa ng ate mo 'nun
Ikaw lang nakikita ko
Namumula ang pisngi, sa inis man o sa hiya
Tapos ayaw mo na ako harapin 'nun

Yeshua:
'Yong araw na 'yon ang first kiss natin diba hahahaha
Kahit 4 months palang tayo 'nun
Di ka nagbibilang pero ako nagbibilang
Sabi mo kasi anniversary lang ang cinecelebrate e

Yeshua:
Pero kahit naman ayaw mo e pinagbibigyan mo 'ko ng date sa monthsary haha

Yeshua:
Mas lalo lang kita namimiss tuwing naaalala ko 'nung tayo pa

✄‑‑‑‑‑‑‑‑‑‑‑‑‑‑‑‑

Cake With FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon