Chapter 4 - Girl Clinic"Anong nangyari?" Bungad samin nung Nurse pagkapasok namin sa Clinic.
Nakailang pilitan at hilahan muna kami ni Cloud bago kami nakarating dito sa Clinic. E sa ayaw ko sa Clinic e! As if gagaling ako dito.
"May lagnat po saka masakit yung ulo." Sagot ni Cloud dun sa Nurse. O e di sya na may sakit. Mas alam pa nya e!
Pinapunta lang ako dun sa Doctor sa may dulo ng Clinic for check-up. Iniwan ko naman si Cloud dun sa may nurse. Pinapahanap sa kanya yung papers ko sa mga compilation ng files dun ng students. Bahala sya! Ayoko sabi dito e. Pucha.
Ginawa naman nung Doctor sakin yung ginagawa sa mga normal na check-up. Tanong ng ganito, ganyan. Tinanong nga ako kung lagi bang sumasakit ulo ko. Baka daw kailangan ko ng magpapalit ng salamin. Oh.
Ayoko talaga sa Clinics or Hospitals. Psh. E di ako na maarte! Heck I care.
Ang hassle din kasi talaga dito. Can I just sleep? Ang daming rituals. Nakakainis.
Yung init ata ng katawan ko napunta sa ulo. Kaya eto, highblood!
After a few minutes of non-stop questioning, pinahiga na ko sa vacant hospital bed. Atlast!
"Sleep. Take a rest." Pinadaanan ko lang ng tingin yung mongoloid sa gilid ko. H'wag nya kong kausapin. Bahala sya dyan.
Pinagtuunan ko nalang ng pansin yung phone ko and started to play Stick Hero. I so love this game.
"Cla." Tinawag na naman nya ako. No choice but to look at him.
He didn't say any single word. Tinititigan nya lang ako. Naconscious naman ako kaya ako na ang unang umiwas.
Honestly, di talaga ako badtrip sa pagdala nya sakin dito. Siguro, may part. Pero... pero di lang dahil dun.
Dahil sa uh... sa... ano... sa... LECHENG GAMOT GAMOT SA PUSO NA YUN. THERE. I SAID IT.
I can feel my cheeks burning. Fvck. Just the memory of that fvcking scene made me blush. Fvck.
Tinalikuran ko nalang sya para di nya mapansin ang pamumula ng pagmumukha ko.
There was this long moment of silence, but the nurse broke it. "Mr. Villanueva, can you please buy this medicine. Dyan lang sa may Botika sa labas. Naubusan na kasi ng stock."
Pinapakinggan ko lang sila habang nagtutulug-tulugan ako.
"Don't worry Mr. Villanueva, I'll take care of your girlfriend so you don't have to worry."
Narinig ko lang yung mahinang pagtawa nya. Pucha ka, Cloud! Di mo man lang itinanggi!
"Lalabas lang ang boyfriend mo ha, babe?" I heard him saying playfully. Pinikit ko lang lalo yung mata ko. I stiffened when I feel his lips onto my forehead. "Bye Babe. And totohanin mo na sana yung pagtulog mo para naman gumaling ka na."
Gusto ko sana syang pagmumurahin kaso wala na kong energy.
Narinig ko ang pagsara ng pinto hudyat na nakalabas na sya. I just close my eyes and think of what happened this afternoon. Seryoso ka ba, Cloud? O naglalaro ka na naman?
---
"What the fvck, Matt?" I cussed when I heard Matthew's voice. Nasa gitna ako ng magandang panaginip ng maramdaman kong nonstop na nagbavibrate ang phone ko. Istorbo.
"Will you stop cussing, Dianne?" I just rolled my eyes. As if makikita ka nya, Dayeng. Psh. "Anyway, nasaan ka? Pumasok ako. Kaso di kita makita. 30 minutes at Sociology na o!"