Chapter 2 - Paz is Past
"Anong mukha yan, Yan?" Salubong sakin ni Matthew nung nagkita kami dito sa Mall na sinasabi nya.
Bakit pa kasi ako sumigaw pabalik? Pucha.
Flashback
"BYE BABE! INGAT KA AH?" Pagkalingon ko ay nakita ko agad ang pagsmirk nya. Devil. I hate you so much, Cloud.
"BABE YOUR FACE, VILLANUEVA!"
"DON'T BE MAD NA! SHE'S JUST A FRIEND! THERE'S NOTHING TO WORRY ABOUT! YOU'RE THE ONLY ONE!"
Napafacepalm na lang ako. You really know how to get into my nerves, Anico Cloud Villanueva. Can't you see we're making a scene here?!
"SHUT UP!" Napapatigil lahat ng napapadaan sa pwesto namin. Nakakahiya. Bakit ba ko sumagot?!
Bahala ka dyan. Psh. Makaalis na nga.
"I LOVE YOU, TOO BABE!"
What the fuck?
Naglakad na ko paalis at hindi na sya nilingon pa. Humanda ka sakin bukas.
End of Flashback
"Are you not happy to see me?" Nakita ko yung pagpout nya. Natawa nalang ako. Para talaga 'tong bata.
"I'm happy to see you, Matt. Naiinis lang ako. Someone just ruined my day." Pagsusumbong ko sa kanya.
Matthew is my bestfriend since uhm since I'm 5 years old? Or 4? Can't remember. Basta nagmeet lang kami sa hospital. Then boom! Bestfriends na kami. Weird eh?
"Sino? Upakan ko na ba?" I just smiled. Ganyan yan si kumag. Parang kuya ko lang yan e!
"Gagi. H'wag na. Ako na bahala." I winked at him kaya naman parang nandiri pa sya. Siniko ko nga. "Anyway, anong balita? May bago ba?"
Nagkwento lang siya tungkol sa naging bakasyon nila sa US. Richkid talaga 'to. Pa-US US nalang!
Nasabi nya rin na ang dami daw magagandang babae dun. Psh. Babaero talaga. Wala e. Pogi e.
"Tapos alam mo ba, naligaw ako? Hahahaha! Malay ko ba! Gusto ko lang namang magliwaliw e. Hindi ko naman alam na nakakaligaw pala dun. Akala ko nga hindi na ako makakauwi e! Buti nalang may tumulong sakin. Filipina. Ayun nakauwi ako." O di ba? Baliw talaga.
Kami ata yung magbestfriend na hindi masyadong nagkikita but still, magbestfriend pa rin. Unlike Rain, hindi kami magkaklase ni Matthew nung High School. Sa ibang school kasi sya nag-aaral. Bihira lang kami magkita talaga. Pero kapag nagkita naman kami e sobra naman sa kwento. Mabuti nga at magkaklase na kami ngayong college. Yayy.
"Hoy. Kanina pa ako kwento ng kwento and the only thing you do is nod. Ikaw naman magkwento! What's new?" Ginulo nya yung buhok ko kaya tinitigan ko lang sya ng masama.
"Walang bago." I shrugged.
"Any problem, Yan? Nasaan ang kadaldalan mo?"
"Wala no! Baliw 'to."
"Parang hindi si Dianne Clarisse ang kausap ko. Kinidnap mo ba sya?" Grabe. Wala lang talaga ko sa mood dumaldal. Pwede naman siguro yun di ba?
"Lul!"
"Your mouth!"
"Sorry!" Napapeace sign nalang ako sa kanya. Psh. Ako nga di ko sya pinapakialamanan pag nagmumura sya e. Tsk. "I'm just giving you a favor. Binibigyan kita ng peace of mind. Hahaha!"