Online Relationship|Filipino

7 4 0
                                    

Una tayong nagkilala sa isang online chat app
Ikaw ang unang nag message sa akin
Nakakahiya pa nung una dahil hindi tayo magkilala
Pero pagkatagalan naging komportable nako sayo

Araw gabi kachat ka
Nag uusap sa mga bagay na wala namang kwenta
Basta kausap ka at kasama ka
Kahit na malayo, ako'y masaya

Hindi ko alam kung papaano
Pero parang nahulog na ata ako sayo
Sa mga pinagsamahan natin
Kahit sa online lamang tayo nagkakausap okay na sakin

Sa mga masasayang kwentuhan
Na halos hindi maubos-ubos
Sa mga tawanan
na ating mga pinagsamahan

hindi ko man siya personal na Nakita
pero isa siyang taong mapag-aruga
hindi layo ng distansya
ang sukat ng pagmamahal ko sakanya

Book of poemsWhere stories live. Discover now