"ah... I'm sorry" sambit ng lalaki na nakabungguan ko
Noong una kitang makita, napakasaya ko.
"Uy beh, may transferee daw! Ang gwapo niya! kyaaaaaah!"
Hindi ko alam kung sadyang pinagtatagpo ba tayo ng tadhana basta ang alam ko, nakita kita at muli na naman akong napangiti. Akala ko hanggang tingin lang ako sayo pero nang lumapit ka at nagpakilala...
"Hi! Casper,"
Halos hindi na maipinta ang ngiti sa labi ko.
Simula n'on naging magkaibigan tayo hanggang sa naging tayo.
Sabay tayong kumakain at mag gu-good morning sa isa't isa. Sabay tayong nag-aalala kung 'kumain ka na ba?' at 'nasaan ka?'. Sabay tayong tatawa sa mga biro ng isa na kahit hindi naman nakakatawa. Maglalambingan sa gitna ng daan. Magkahawak kamay habang tumatakbo sa gitna ng ulan, yung tipong hindi na tayo mapapaghiwalay.
Pero akala ko lang pala...
"Babe, kain tayo sa labas" aya ko
"Pagod ako, Ash"
Dumating ang araw na nagbago ka bigla. Yung Good morning sa umaga, yung lambing at pagmamahal tuluyan ng nawala.
Nasaan na yung dati? Yung dating tayo, yung mga araw na masaya pa tayo.
Mahal, miss na kita...
- Dating Tayo
by RheinneTiffany24

BINABASA MO ANG
One Shot Stories || RASC
RandomOne Shot Stories by: RheinneTiffany24 #1 - Teardrops in the Rain #2 - Dance with my Father Again #3 - The Person Who Built Me is also the One Who Ruined Me #4 - Paubaya #5 - Iskinita #6 - Ingatan #7 - A Doll #8 - Your Name #9 - Love is Gone #10 - A...