[Love, hindi kita masusundo ngayon. Kailangan ako ni Ericka]
Anas ni Matthew mula sa kabilang linya.
"Ah... okay lang, Love," sabi ko at napangiti ng mapait. Lagi naman eh.
"Ingat," muling sabi ko bago ibinaba ang tawag.
-
"Love, galit ka ba?" tanong ni Matthew ng mapansin niya ang pag-iwas ko.
Umiling lang ako.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.
Pinuntahan niya ako sa bahay dahil hindi niya ako nasundo kanina, dahil sa kaibigan niya.
Naiintindihan ko naman eh, kaibigan niya 'yon, buhay niya 'yon at ako... girlfriend lang niya.
Hindi ko alam kung tama ba 'tong nararamdaman ko, pero wala eh. Nagseselos ako... nasasaktan ako. Ako 'yong girlfriend pero sa iba niya pinaparamdam.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Love, nagseselos ka ba? 'Di ba pinag-usapan na natin 'to. Kaibigan ko lang si Ericka," anas nito. Halata ang inis sa tono niya.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya at hinarap siya bago nagsalita.
"Oo! nagseselos ako! Kahit na sabihin mong magkaibigan lang kayo at ako ang mahal mo. Natatakot ako... na isang araw iwan mo ako, dahil noong una 'magkaibigan' lang din naman tayo," anas ko bago nagpakawala ng luha sa mga mata ko.
- Kaibigan
by RheinneTiffany24

BINABASA MO ANG
One Shot Stories || RASC
RandomOne Shot Stories by: RheinneTiffany24 #1 - Teardrops in the Rain #2 - Dance with my Father Again #3 - The Person Who Built Me is also the One Who Ruined Me #4 - Paubaya #5 - Iskinita #6 - Ingatan #7 - A Doll #8 - Your Name #9 - Love is Gone #10 - A...