#16 - Saan Ka Ba Nakatingin Dre?

1 0 0
                                    

"Nat Nat!" hinihingal na tawag sa akin ng kaibigan ko, si Ash.

"Oh, bakit Abo?" natatawang tanong ko rito. Ang cute talaga nitong kaibigan ko eh, kaya crush na crush ko 'to.

"Kyaaaaaah! Grabe! Kami na ni Jacob!" tumatalon sa tuwang sabi nito.

Ang kaninang masayang mukha ko ay napalitan.

Ang sakit.

Ang sakit pala na malaman mo'ng yung taong matagal mo nang pina-pangarap ay hawak na ng iba.

"A-ah... congrats."

"Weh? Ba't parang 'di ka masaya? May problema ba?" anas nito na sinuklian ko ng ngiti para hindi niya mahalatang nasasaktan ako.

"Hindi ah, ang saya- saya ko nga eh. Ang saya ko sobra," pilit na ngiti'ng sabi ko.

"Tara, arcades tayo!" aya ko rito para mapalitan ang atmosphere.

"Ay sorry dre, may date kami ngayon ni Jacob eh."

"Ah okay lang, ingat."

-

"Nat Nat, free ka ba ngayon?" tanong ni Ash.

"Oh, bakit malungkot ang Abo ko?"

"Nat! A-ayaw ko na." She hugged me and started crying on my shoulder.

"Niloko niya ko, ang sakit pala."

"Hush, stop crying," pagpapatahan ko rito.

Nandito naman kasi ako eh. Kung sana'ng ako minahal mo, edi sana hindi ka nasasaktan ngayon.

Simula nang mag break sila ni Jacob, palagi ko siya'ng sinasamahan. Binibili ko siya ng mga gusto niya. Pinapasaya, at mas lalo ko'ng pinakita sa kanyang mahal ko siya kahit walang kami.

"Nathan," anas ni Ash. Nandito kami ngayon sa rooftop. Nakahiga habang pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa langit.

"Mmh?" I hummed.

Naupo siya at humarap sa akin and I did the same.

"Ah... I l-like you -I mean, I love you," nakayukong anas nito.

I laughed.

Nakita ko ang pagkagat labi nito. "Baki -hirap mo namang i-prank," putol nito sa sasabihin niya.

I laughed again.

"Nakaka-asar ka talaga. Bakit mo ko tina-tawanan, prank lang yun 'no!" she said pouting.

"Hindi kita tina-tawanan."

"Tss. anong tawag mo sa ginagawa mo?!"

"Natatawa ako kasi ang cute mo," anas ko. "Matagal na kitang mahal, hindi mo lang alam kasi kung saan-saan ka lang nakatingin... nandito naman ako." anas ko at niyakap niya ako.

"I love you, mi amor," I said and kissed her in her forehead.

- Saan Ka Ba Nakatingin Dre?
by RheinneTiffany24

One Shot Stories || RASCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon