"Ziah, ayos ka lang?"
Napa-angat ang tingin ko sa kaibigan ko, si Irish
"H-huh? Oo, ayos lang ako" binigyan ko siya ng malapad na ngiti para hindi niya mapansing nagsisinungaling ako
I'm Keziah Leigh, 18 years old, a volleyball player.
Tinawag kami ni coach Leah upang ipaliwanag ang mga gagawin namin at paalalahanan.
"Magsisimula na ang game, mag ready na kayo" pagpapaalala ni coach
Kinuha ko ang bottled water ko at uminom ng tubig bago mag-umpisa ang laro. Hindi pa man nag-uumpisa ang laro ay rinig ko na ang hiyawan ng mga tao
Kasalukuyan ng laro ay napatigil ako para punasan ang pawis na tumutulo sa mukha ko. Napalingon ako sa bleacher ng marinig ko ang lalaking mahal ko na isinisigaw ang pangalan ng team namin.
"Go babe! Kaya mo yan" napangiti ako
Masayang natapos ang laro at pinuntahan namin ang kabilang team para i-congratulate sila.
"Congrats babe!" masayang bati ni Kenneth ng manalo ang team namin
"Thanks babe"
Napangiti ako ngunit napawi iyon ng madapo ang tingin nito sa akin.
Agad akong tumalikod upang maitago ang luhang malapit ng tumulo sa mga mata ko.
"Ah... Congrats Keziah," saad ng lalaki sa likod ko. Nakakatakot, natatakot akong lingunin siya at makita niyang hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako at hanggang ngayon mahal ko pa rin siya
Ang sakit. Hindi ko pala kaya na makita ang taong mahal ko na may iba ng sinusuportahan at 'yun ay hindi na ako...
- Hindi na Ako
by RheinneTiffany24

BINABASA MO ANG
One Shot Stories || RASC
De TodoOne Shot Stories by: RheinneTiffany24 #1 - Teardrops in the Rain #2 - Dance with my Father Again #3 - The Person Who Built Me is also the One Who Ruined Me #4 - Paubaya #5 - Iskinita #6 - Ingatan #7 - A Doll #8 - Your Name #9 - Love is Gone #10 - A...