Prologue

142 11 0
                                    

THE UNTOLD CRIME: FIELD TRIP
written by: avylionhart & caolliflwr
-----------------------------------------------------

I feel so empty.

Iʼm alive but it feels like Iʼm dead.

Seeing this horrendous place full of dead bodies makes me cry in agony.

I can hear those gun shots. I can hear those screams at the back of my mind. They are asking for my help but I couldnʼt do anything.

I am in the verge of death.

Someone is chasing me. That person wants me to die. That person wants all of us to die.

Takbo ako ng takbo pero hindi ko alam kung saan ako papunta. Blangko ang utak ko. Pa lutang-lutang lang sa kung saan.

Ang alam ko lang, kailangan ko ng tulong. Kailangan kong makatakas.

Iʼm tired of running already but I want to stay alive.

Somebody, help me.

“Ms. Verzua!” natauhan ako mula sa malalim na pag-iisip ng tinawag ako ni Mr. Tejares, ang lead investigator ng kaso.

Heʼs giving me a doubtful look.

Napayuko na lang ako dahil sa klase ng tingin na ibinigay niya. Para bang pinaghihinalaan niya ako.

Paulit-ulit nila akong tinatanong pero wala akong kahit anong maisagot.

Ang alam ko lang, ako si Ellaine Verzua. Iyon ang sinabi nilang pangalan ko. My family used to call me Ella. I have a mother named Sonya and a brother whoʼs name is Baste. Aside sa mga information na ibinigay nila saʼkin, wala na akong alam. Iyon lang.

“Are you really sure that you canʼt remember anything about what happened?” muling tanong saʼkin ni Mr. Tejares.

Umiling lang ako saka umiwas ng tingin sa kanya.

Kahit ilang beses nila akong tanungin, wala silang makukuhang sagot dahil hindi ko alam kung anong tinutukoy nila.

Wala akong maalala sa sinasabi nilang field trip. Ni hindi ko nga alam kung paano ako napunta rito. Wala akong ideya sa lahat.

Like what Iʼve said, I know nothing.

“Ms. Verzua, you need to cooperate with us. Ikaw na lang ang pag-asa namin para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga kaklase mo.” si Atty. Soriano naman ang nagsalita, “If you can remember even a tiny detail about what happened, you can tell us. Weʼll do our best to help you.”

Tumango lang ako ng hindi ibinabaling ang tingin sa kanila.

Ayoko ng magsalita pa. Sinabi ko na rin naman lahat ng gusto kong sabihin. Sila lang talaga 'tong pilit ng pilit saʼkin na alalahanin ang lahat.

“Then I guess, thatʼs all for today. Mauna na kami, Ms. Verzua.” rinig kong sambit ni Atty. Soriano.

Naramdaman kong naglakad na sila palabas ng kwarto kaya nakahinga na ako ng maluwag.

The Untold Crime: Field Trip Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon