04

59 10 1
                                    

THE UNTOLD CRIME: FIELD TRIP
written by: avylionhart & caolliflwr
--------------------------------------------------------

Sinabi ko lahat ng naaalala ko kay Atty. Soriano. Ikinuwento ko sa kanya kung paano ako pinagkaisahan ng grupo nila Rayz. Wala akong tinira at sinabi ko lahat ng alam ko na pwedeng makatulong sa imbestigasyon.

Puro tango lang ang ginawa niya. Wala siyang kahit na anong sinabi. Pinapakinggan niya lang lahat ng kwento ko.

Kahit paano, alam kong naniwala naman siya dahil kita ko ang pag-aalala niya.

“Hanggang doon lang po talaga ang naaalala ko, Attorney. Pasensiya na.” paghingi ko ng paumanhin.

Hindi ko alam kung makakatulong ba talaga ang mga sinabi kong 'yon sa kaso pero nagbabakasakali pa rin ako.

“Itʼs okay, Ms. Verzua. The fact that youʼre starting to regain your previous memory is still a good news. It means a lot to us.” nginitian ako ni Atty. Soriano saka ako hinawakan sa braso bilang pag-comfort, “O siya, weʼre going to leave. I hope youʼll be able to recover soon. Take a rest, Ms. Verzua.”

Tinanguan ko lang si Atty. Soriano. Kinuha na nila ang mga papeles na nasa mesa saka nag-bow saʼkin bago tuluyang umalis. Sumunod naman sa kanya si Mr. Tejares.

Napabuntong-hininga na lang ako ng marealize kong ako na naman lang ang naiwan dito. Kapag ganitong ako na lang mag-isa ang naiiwan, kung ano-anong pumapasok sa isip ko.

Mostly, tungkol sa field trip na hindi ko pa rin maalala.

I keep on thinking what really happened and why I am the only one who survived.

Ang hirap ng walang alam. Ang hirap magkaroon ng mga putol na alaala. Parang connect the dots.

Now all I have to do is wait until another memory pops up in my mind. 'Yon lang ang pwede kong gawin sa ngayon.

“Are you alone here?”

May narinig akong pamilyar na boses kaya napatingin ako sa bandang likod ko. The moment I turn around, my eyes widened. My memories may be not complete but I know him. I remember him.

“Dash.” iyon na lang ang nasabi ko sa pagkagulat.

I thought everyone died on the field trip. How come heʼs alive? Hindi rin nasabi saʼkin 'to ni Klead kaya wala akong idea man lang.

The other question is, what is he doing here? Weʼre not close. Binubully ako ng grupo nila. Well, sabihin na natin na never niya akong nasaktan but heʼs still part of the group.

“What are you doing here?” kunot-noo kong tanong.

Napansin kong naglakad siya palapit saʼkin kaya umatras ako ng kaunti malapit sa may table. Kinuha ko ang maliit na vase na nandoʼn.

“Donʼt you dare go near me kung ayaw mong batuhin kita nito.” pagbabanta ko.

Nag-gesture pa ako na parang ibabato ang vase sa kanya but he didnʼt even flinch. Napailing na lang siya sa ginawa ko.

“I'm here to pay you a visit. Well, ayoko sana but Auntie told me to look up on you. Wala ka raw kasama rito. I canʼt say no to her.” tamad nitong sabi saka naupo sa kaninang inupuan rin ni Atty. Soriano.

Kinuha niya ang magazine sa mesa saka iyon binasa. Seconds after, tumigil siya sa pagbabasa. Kumunot ang noo niya na parang may bigla siyang narealize.

“Wait, I thought you couldnʼt remember anything? How did you know me?”

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Iʼm still holding the vase so in case heʼs going to hurt me, prepared ako. Mahirap na, baka imbes na makalabas pa ako ng ospital e dumiretso na talaga ako ng morgue.

The Untold Crime: Field Trip Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon