08

52 9 0
                                    

THE UNTOLD CRIME: FIELD TRIP
written by: avylionhart & caolliflwr
--------------------------------------------------------

Iʼm at my room.

Wala akong ideya kung anong oras na. Nakasilip lang ako sa may bintana ng kwarto. Malakas ang ulan. Malamig ang paligid pero wala akong nararamdaman.

Ang tanging iniisip ko lang, si Mama, si Klead, at si Baste.

Just thinking of our situation right now makes me want to give up. I want to end everything. Sana, namatay na lang rin ako sa field trip kasi sa totoo lang, buhay ako na parang hindi. Humihinga ako pero para bang nakakabit sa akin ang anino ng trahedyang nangyari.

“Ate, hindi ka pa rin ba lalabas ng kwarto?” rinig ko ang pagkatok ni Baste, “Ate, ayokong katabi si Kuya Dash. Ikaw ang gusto kong katabi, Ate Ella.”

Napatakip ako ng bibig. Ayokong marinig nila ang mga hikbi ko.

“Baste, I told you. Your Ate Ella is asleep already. Ako na lang ang bahalang magbantay saʼyo, okay? I promise, Iʼll read you your favorite story.” rinig ko namang sabi ni Dash sa kanya.

Hindi na sumagot pa si Baste. Naramdaman ko na lang na naglakad na sila palayo at noʼng nakaalis na sila, mas lumakas lang ang iyak ko.

Ilang oras na akong ganito at tanging si Dash lang ang kumakausap sa kanya. Si Dash na rin ang nagsabi kay Baste na wala na si Mama. Si Dash rin ang nagpatahan sa kanya dahil kahit ako, hindi ko alam kung paano patatahanin ang sarili ko.

Mabuti na lang, he suggested to sleep here tonight. Kahit paano, gumaan ang loob ko dahil nasa mabuting kamay naman si Baste. I know Dash would take care of him while Iʼm still not okay.

Biglang nahagip ng mata ko ang itim na notebook na ibinigay saʼkin ni Klead. Natigilan ako bigla sa pag-iyak.
I still canʼt remember why I gave this to him. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang letter na isinulat ko sa huling pahina ng notebook.

“Iʼm sorry, Klead. This will be the end of my misery.” pagbasa ko sa nakasulat.

What does it mean?

Iʼm the one who wrote it. Dapat alam ko pero hindi ko talaga matandaan.

Out of nowhere, naalala ko ang sinabi ni Atty. Soriano. Kanina, noʼng halos hindi ako makapagsalita dahil sa mga nalaman ko, she talked to me. She told me that if I really want my memories to get back, I need to do something. Hindi raw pwede na magmukmok na lang ako at hintayin na may maalala ako.

Then I guess, I should go to that place where the field trip happened.

Kailangan kong hanapin ang sagot sa sarili ko mismo but before I could do that, kailangan kong umalis ng hindi mapapansin ni Dash.

Hindi naman na ako nahirapan dahil ng sumilip ako sa sala, nakita kong tulog na sila ni Baste. Sumilip rin ako sa bintana. Humupa na ang ulan. Mukhang umaayon saʼkin ang panahon.

Medyo natagalan bago ako nakapunta sa destination dahil medyo malayo at anong oras na rin.

The moment I stepped my foot on the ground, I felt something that I shouldnʼt be feeling. Fear.

Napahawak ako sa ulo ko.

“Hoy, halika nga dito!” tinawag ako ni Rayz pagkababang-pagkababa ko ng bus.

Gusto kong humingi ng tulong dahil sa totoo lang, naaalala ko ang banta nila.

Ano 'yon?” wala sa sarili kong sabi saka ako lumapit.

Bigla naman akong sinabunutan ni Kloeh kaya napa-aray ako sa ginawa niya. Nagtawanan lang sila.

Bakit ka pa rin sumama, ha? Ang lakas na talaga ng loob mo, noh? Wala ka na ba talagang kinakatakutan?” tanong nito.

The Untold Crime: Field Trip Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon