THE UNTOLD CRIME: FIELD TRIP
written by: avylionhart & caolliflwr
--------------------------------------------------------“Hindi niyo 'ko kailangang kaladkarin. Sasama ako.” Malamig na sabi ni Klead habang pinupusasan siya ng mga pulis.
Nasa gilid lang ako at tulala. Parang dinudurog ang puso ko habang pinagmamasdan si Klead. Maski ako, ayaw kong maniwala na magagawa niya 'yon pero nakita ko siya! Naalala ko ang ginawa niya.
Hindi ako puwedeng magkamali. Napapikit na lamang ko. I canʼt see him like this.
Malamig ang mga tingin niya. Hindi ko mabasa ang mga nasa-isip niya. Ang daming kong tanong, bakit hindi niya itinanggi? Kahit pa 'yon ang nakita ko at naalala ko, sa oras na itinanggi niya at sabihin niya hindi siya ang killer, paniniwalaan ko siya pero kahit iisang salita walang lumabas sa bibig niya.
Kinausap lang siya sandali pagkatapos ay dinala na siya palabas. Pero bago siya makapasok sa kotse, tumingin siya saʼkin.
He smiled at me. Sa sandaling 'yon, alam kong totoong ngiti iyon. “Everything will be fine, Ella.” He mouthed.
“S-Sorry, Klead. I-Iʼm sorry.” Iyak na sabi ko. Pero sa pag kakataong iyon, alam kong hindi niya na maririnig ang paghingi ko ng tawad dahil nakaalis na sila.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak.
“Sshh. Stop crying, Ellaine.” Pagtahan saʼkin ni Dash.
Tumayo ako at tumingin sa kaniya. “P-Please, Dash. Sumunod tayo sa presinto! Hindi si Klead ang killer. Hindi niya magagawa samin ito! Hindi niya kayang pumatay. H-Hindi n-niya... hindi niya kayang saktan ako!” Pagmamakaawa ko kay Dash.
Hinawakan niya ang balikat ko at taimtim akong tinitigan. “Listen, Ellaine. You canʼt just go there at bawiin nalang basta ang mga sinabi mo sa mga pulis. Tiyak na paghihinalaan ka nila ng masama.”
“P-Pero.”
“What you saw is the truth, Ellaine. Klead needs to pay for what he did. Para matapos na rin 'tong gulong 'to.”
Gulong-gulo na ako sa mga nangyayare. Hindi ko na alam kong anong paniniwalaan ko.
“Sa dami ng mga nangyari ngayong araw, mas lumaki ang issue. Nawala ang atensyon ng mga tao saʼyo. Dahil sa mga sinabi mo, si Klead La Costa na ang prime suspect. Pwede ka nang gumalaw ng malaya, Ella. Pero hindi ibig sabihin noʼn ay mareresolba na ang kaso. Mainit parin ang tingin ng mga tao sayo lalong lalo na ang mga pamilya ng mga kaklase mo. Kahit si Klead na ngayon ang prime suspect, mas naniniwala parin sila na ikaw ang pumatay.”
Napabuntong hininga ako nang maalala ang mga sinabi ni Atty. Soriano. Kinausap niya ako kanina bago ako makalabas ng ospital. Sobrang dami na ng mga nangyari.
Naka-uwi na 'ko sa bahay. Medyo maayos na ang pakiramdam ko pero lutang parin ako.
“Anak? May problema ba?” Napalingon ako sa pintuan. Nakatayo si mama habang nakatingin sa akin.
Lumapit siya at umupo sa tabi ko. “Ayos lang po, ma.”
“Anak, si Klead ba talaga ang pumatay?” Nagulat ako sa tanong ni mama pero napabuntong-hininga na lamang ako.
Pati rin ba siya ay hindi naniniwalang magagawa 'yon ni Klead?
“Hindi ko na po alam, ma. Hindi ko na alam ang gagawin, hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko.”
“Sa tingin mo ba anak kayang gawin ng kaibigan mo 'yon?” Tanong niya saʼkin pero umiling ako.
“Pero ma, I saw him. Gusto niya 'kong saktan. At habang nanghihina ako sa lupa, nakita ko kung paʼno niya hilain ang mga bangkay sa paligid. P-Puno siya ng dugo.”
BINABASA MO ANG
The Untold Crime: Field Trip
Misterio / Suspenso"What's the truth behind their deaths?" Ella just realized how cruel the world is. The school she attends is worse than hell. The class won't end without the students being beaten and taken to the hospital. She had bruises on her bodies everyday but...