"G-Gov Seb?""Hmm." he nodded.
"Oh, I-I thought naka-alis na po kayo." magalang kong ani.
"Well, we plan to stay here for a bit, we're just gonna check in a hotel." aniya habang naka-ngisi.
"Aba'y kilala mo pala siya." marahan akong hinampas ni Nanay Pasing sa braso. "Bakit hindi nalang siya ang asawahin mo." usyoso niya.
"Nay!" sinubukan kong takpan ang bibig niya pero inilayo niya ang mukha mo.
Si Governor Seb naman ay napa-tawa lang. Hinarap ko siya ant humingi ng paumanhin.
"Pasensya na po, she doesn't know what she's saying."
"It's fine, I understand."
"Aba'y huwag niyo ako ma-ingles-ingles riyan." Usyoso ni Nanay Pasing. "Gusto ko lang maitali ka sa mas matinong lalaki."
Napangiwi ako dahil sa mga pinagsasabi ni Nanay Pasing kaya ibinigay ko nalang sakanya ang bilao ng bibingka na hawak hawak ko para matigil na siya.
"Ayan para sainyo 'yan" sagot ko habang pilit na ipinahawak sakanya ang bilao.
Tinignan niya ang bilao na bigay ko atsaka niya tiningnan si Governor Seb.
"Hijo, sayo nalang." aniya habang inilahad ang bilao kay Gov.
"HUWAG!" pigil ko. "Marami na siyang gan'yan!" Hindi ko mapigilan na tumaas ang boses.
"Paano ka nakasisiguro?" asar ni Nanay Pasing.
"Kaya ako gumawa ng gan'yan para sakan'ya! Sayo na 'yan' nay." napapadyak ako dahil sa inis.
Tinangay niya na nga iyong para kay Gael. Hindi niyo ako masisisi dahil naiinis talaga ako.
"Sinungaling." Usal ni Nanay Pasing.
"Dose bilao po iyong kinuha niya!" napapadyak ako.
Sumulyap ako kay Gov na mukhang nagpipigil ng tawa. Nothing is funny!
Korakot ng bibingka!
Imbes na pakinggan ako ay hinarap muli ni Nanay Pasing si Governor Seb.
"Sa iyo nalang, Hijo." muli niyang alok.
Napa-kamot ako ng sentido.
'Please say No. Please. Say. No.'
"Huwag na po. Para sainyo na 'yan." magalang na sagot ni Gov.
Naka hinga ako ng maluwag dahil tumanggi siya.
"Hindi, sayo na. Wala rin naman akong ngipin kaya hindi ko manguya." Pagpupumilit ni Nanay Pasing.
Tigas talaga ng ulo.
Napatingin si Gov. sa bilao na pilit ibinibigay sakan'ya ni Nanay Pasing. Mukhang nagiisip ito.
Nabigla ako nang kinuha niya ang bilao mula kay Nanay Pasing.
" Salamat po 'Nay, nag-abala pa po kayo. Ingat kayo palagi, mauna na po ako." magalang niyang ani at walang kung anu-anong tumalikod at nagmartsa papalayo habang hawak hawak ang bilao na ng bibingka na gawa ko.
PUNYETA!
Kinuha na nga niya iyong para kay Gael, kinuha niya pa itong para kay Nanay Pasing.
Nanatili akong Tulala habang nakatingin sa paliit na paliit na bulto ni Governor Seb. Nakita ko na pumasok ito sa magara niyang sasakyan at humarurot ito papalayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/300234136-288-k520601.jpg)
BINABASA MO ANG
Serie 3 - Abducted (Ongoing)
RomanceMATURE CONTENTㅣR-18ㅣDARK-ROMANCE VICIOUS MEN 3 - Abducted (Sebastien Luca Buenaventura) When he took someone that isn't his... Governor Sebastien Luca Buenaventura all wanted two things, and these are POWER and MONEY, which he already have at the...