Prologue

183 7 1
                                    

Iba't ibang klase ng estudyante ang makikita mo sa isang normal na klase. Nasa baba ang iilan lamang na mga katangiang posibleng makita in one class:

1. Nerds
Hindi lang naman sila yung mga nakabraces, nakasalamin, laging may hawak na libro, grade-conscious at kung anu-ano pang pwedeng irelate sa word na "weirdo." Hindi, hindi lahat ng nerds eh ganun. Yung iba, talagang mala-dictionary lang ang utak kapag English na ang subject, mala-calculator ang utak kapag Math at basta, 'yung mga masyadong maraming impormasyon sa utak kahit hindi sila nag-aaral, nakakayanan nilang pumasa. Istak naleyj! Pero pwede ring sila yung mabilis mauto or pwede ring sila yung madalas universal tanungan kapag may quizzes or exams.

2. President/Officers
Iba't ibang klase rin ang presidente sa bawat klase. Yung iba, presidente sa kaingayan. Yung iba, sa kalandian. Basta sila yung mga pasimuno. Pero pilo lang talaga ang opisyal na mga namamahala sa klase. Yun bang, taga-saway kapag sumalakay ang mga impostor na pangulo sa gulo.

3. Ang Mga Normal
Sila yung mga wala pang saltik sa ulo. Yung mga mababait, yung tahimik. Karaniwan silang hindi sumasama sa gulo sa klase pero nasa kanila naman ang katangian ng isang normal na estudyante. Dumadaldal, nagpapatawa at nangungulit din naman sila pero hindi kasinghalimaw ng ibang uri ng estudyante.

4. ABNORMAL
Syempre ang lahat ng bagay may kasalungat. Kung may normal, may abnormal. Ilalahad ko pa ba? Sila lang naman yung may saltik sa ulo. Hindi literal pero pambihira sila, basta, yung mga ginagawa nila eh mga gawaing pangbugok pero masaya naman silang kasama.

5. Teachers' Pets
Tao naman din sila, hindi literal na hayop. Sila yung mga mansanas sa mata ng mga guro. Pero di rin naman sila swerte kahit lagi silang napupuri ng mga titser. Minsan kasi, pwede ka nilang maging favorite kapag mabait at matalino ka. Pero syempre, pwede ka ring maging favorite dahil maingay at magulo ka. Sila yung madalas sunud-sunuran sa guro. Utos here, utos there, utos everywhere. San ka, kinabog pa ang mudrabels mo! Pero sila ang tagasalba ng klase kapag nag walk out ang teachers dahil nga malapit sila sa mga guro, favorite man sila dahil sa kabutihan o sa gulo, kering-keri na nila iyon.

6. Kings and Queens
AKA pa-VIP, pa-sosyal, maaarte. Sila yung mga hari-harian at reyna-reynahan sa isang klase. Maaaring sa mabuti o hindi mabuti, namumuno sila. Pero bukod sa normal na definition ng hari at reyna, maaari rin silang maging best actress o best actor sa sobrang arte at pasosyal nila. Yung tipong makapagyabang na madalas daw sila sa starbucks pero ang totoo, ayun, nasa kanto. Naggugulaman lang pala. Pero pwede rin namang sila lang talaga yung heartthrob sa klase, yung mga pogi at magaganda. Muse and escorts ba, ganun.

7. The Bullies
Mawawala ba sila sa isang klase? Sila lang naman ang kampon ng kadiliman tuwing may makikita silang pwedeng mapagdiskitahan. Nakakasakit sila, oo madalas. Pisikal o emosyonal, kaya nilang apektuhan ang kaklase nila. Hindi sila mabuti, ganun. Pero madalas, sila yung laging iniintinding uri sa klase. Kumbaga, sila ang endangered species sa lahat kasi sila yung mga taong hindi makatakas o matake yung problems nila kaya nila ipinapasa sa ibang tao. Sila yung pinaka naghahanap ng atensyon, tulong, at.. pag-ibig.

Teka meron pa..

8. ALL OF THE ABOVE!
PAANO!?

************
Note:
Since it's summer, when boredom strikes, this is what I'm gonna do.. just for fun. HAHAHAHA Hello! Kung nonsense ang story, sorry. :)
04 21 15

The Bully Queen's SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon