4: Mr. Loner

111 8 3
                                    

JIAN'S POV:

kriiiiiiing... kriiiiing..

Alarm ko. Second day na namin sa school pero 'di ako pumasok kahapon kasi mataas lagnat ko. Sayang, first day pa naman. Pero, okay lang 'yun. Tinignan ko ang oras, 7:00 am na pala. Hala? Malelate na ko! Di bale, wala namang naghihintay na kaibigan sa akin don, ako nga raw si Mr. Loner eh?

Pagkaligo at pagkakain ko, 7:42 na. Wala, super late na talaga ako. Makapaghalf day na nga lang. Para cool. Sa tingin ko, cool eh. Nag COC lang ako buong umaga hanggang sa pumatak na ang 10:30. Makapasok na nga! 30 minutes na lang at lunch na sa school, at sa ganoong oras lang pwede makapaghalfday.

Pagkapasok ko, naglalunch na lahat. Nasa labas na silang lahat habang ako, hinahanap ko yung room ko. First day ko toh. Wala kayong pake.

Ayon! Nakita ko na ang room ko. Sumisipol pa ko habang naglalakad sa corridor para cool ang datingan. Palapit na ko sa pinto ng mabunggo ako nung lalaking lumabas sa pinto ng room ko. Problema ng lalaking to? Lunch eh nasa loob ng room. Ede pumasok na ko para ilagay ang bag ko sa loob para makipagbonding sa friends ko. Oops, wala nga pala akong friends.

Binuksan ko na ang pinto at may nakita akong babaeng umiiyak. Nilapitan ko siya. Nagkaroon ako ng bright idea! Aha!

"Hi.. Break na kayo nung lalaking lumabas? Isa lang mapapayo ko sayo. Ikill mo siya!" sabi ko sa kanya para naman gumaan pakiramdam niya.

Tumaas ang ulo niya at tinaas ang kilay. Whoa. Bigla akong.. "Joke lang, klasmeyt, ako na pala ang reresbak sa kanya. Ako na lang."

"Baliw ka ba? Kaklase ba kita?" irap niya sa akin.

"Oo, yes. Oo na kaklase mo ko at yes na baliw ako... sayo." sagot ko na may halong landi.

"Dyan ka na nga! Siraulo!" binagsakan niya ako ng pinto. Nye, di ko man lang nalaman pangalan niya pero hayaan ko na, kaklase ko naman eh.

Lumabas na rin ako at nakasalubong ko yung lalaki kanina. Nilapitan ko siya para magpakilala. Nagbabakasakaling maging friends kami. Cool siya, brineak niya yung babaeng.. masungit?

"Hi, I believe we're classmates? Ji-" pinutol niya ang sinabi ko.

"Wala akong time para ligawan mo akizz! Kailangan ko yung tropa ko, pinatay sila ni Eya." nagulat ako. Nagulat dahil hindi pala siya cool. Liligawan ko ba naman daw siya eh! Pero teka, anong patay at sinong Eya?

"Darel!" sabay-sabay na sigaw ng mga babange may maliliit na boses. Sakit sa tenga!

"GIRLS!" mas maliit pa pala boses netong kausap ko sa mga iyon eh. Naglapitan yung apat na babae sa amin.

"Ah. So Darel pala pangalan mo. Ji-" pinutol na naman sasabihin ko.

"No. It's Darla. Sorry pero, hindi pa kita masasagot, di pa kita kilala eh." aba, kapal. Hindi cool.

"Oh my gawd, buhay kayo? Ano nangyare at paano?" alalang-alalang sabi niya sa tropa niya ata yun. Oo, nakikinig ako sa usapan nila dahil wala kong kasama.

"Oo naman, duh, ba't naman kami mamamatay? Kumain lang kami ng lunch. Hindi ka na namin ginising."

"As usual, Science pa lang, tulog ka na! Ikaw nga lang naiwan sa room kanina eh."

"Ah, eh may babae kanina sa room, umiiyak?" sumabat na ako sa usapan ng tropa nila.

"Girl, sino 'to? Boyfie mo?" sabi nung isa nang mapansin ako.

"Si Ji. Kaklase naten." sagot ni Darel, este Darla, Jian ho, Jian. "Oh Ji, sinong baba- oh my."

"Why Sis? What happened?" tanong ng katropa niya.

The Bully Queen's SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon