5: The Election

71 6 3
                                    

June 18, 2014
Third Day
6:15 AM

"Ateng bipolar, oy, gising!" sigaw ng kapatid ko. "Hoy tapos na ko maligo, bumangon ka na! Ikaw na! Darating na service naten! Hoy!" naririnig ko naman siya pero teka, 5 mins.

Binuhusan niya ko ng malamig na tubig sa mukha at tinulak ko siya. Sino ba namang di manunulak kapag ginising ka? Wala diba? Kaya YES, dapat lang ang ginawa ko.

Umupo na ako sa kama. Uh, a..h. Sakit ng likod ko! Bakit naman ba kase ko tinulak nung bugok na iyon eh? Nag HI lang naman ako. Siguro ginising ko siya? Pero kahit na! Hindi dapat rason ang manulak kapag ginising ang isang tao. It's a NO, hindi dapat yung ginawa niya.

----------

Pumasok na ko sa klase at nakita ko si Darel and company. Feling ko kung nakakamatay lang ang tingin, hindi lang ako double dead. Marami sila eh.

"Tinitingin niyo dyan? Gusto niyong dukutin ko mga mata niyo?" binulong ko. Pero sigurado akong narinig yun ni Darel. Ano naman? Para sa kanya naman talaga 'yun.

"Hep! Hep!" awat ng nasa likod ko. "Ke aga aga, nakakunot na naman noo mo!"

"Ikaw na naman? Ano bang pake mo? Sino ka ba ha?" bwisit na ko dito, pigilan niyo ko.

"Ako lang naman ang pinakagwapo mong kaklase! Jian nga pala." tinaasan ko lang ng kilay.

"Makataas ng kilay! Mamaya nyan, mainlove ka sakin!" kinindatan ako. Kapal ng mukha. Pangit naman.

"Yun naman ang galawan!" pagsuporta sa kanya ni Numa ba yun? Kinindatan naman ni Jian ang kaibigan.

"Galawang badingdong eh!" eto, si John. Binigyan naman ni Jian si John ng deadly look na parang ang ibig sabihin eh 'mamaya, patay ka sakin.'

Umupo na ko at dinedma sila bago pa mabadtrip ng sobra-sobra. Ang tagal naman neto ni Angela! Marami pa kong chika eh. Limang minuto ang lumipas at may umupo na sa tabi ko. Si Angela!

"Oy babaita, napakatagal mo! Anong kalandian na naman ginawa mo?" inis kong tanong. Nakatingin na naman sakin si Darel. Ano ba problema neto?

"Wow ha, thank you talaga. Bagay talaga tayong magkaibigan. Ako si Angela at ikaw si Demonya." mahina niyang sagot sa akin.

Matagal na kaming magkaibigan. Simula grade 7. Oh eh ano, matagal na sa akin yon! Siya lang nakakaalam ng tunay na ako. Mukha raw kaming inosente pero akala lang nila yon. Tahimik to, mas tahimik at mabait kesa sakin. Pero believe me or not, grabe rin to makipagsagutan sa akin. Madalas kasi kami magbangayan. Nakagawian na namin eh.

"Asa!" pahiyaw kong sinabi. Lumingon ako sa side nila Darel, napatingin na naman siya sa akin.

"Oy, may dumi ba ako sa mukha?" tinanong ko ng pabulong.

"Wala. Pimple meron."

"Malinis ba damit ko?"

"Oo. Kaso magulo."

"Pangit ba ko?"

"Hindi. Demonya, oo."

"MAMATAY KA NANG HAYOP KA." napasigaw ako at nagtinginan sila sa akin. "Oh ano? Ngayon lang kayo nakakita ng maganda?" natahimik naman sila.

"Demonya talaga." pabulong ni Angela.

"Oo na, pero kasi naiirita ko, tingin ng tingin sakin yung ayun oh!"

"Eh baka ngayon nga lang nakakita.."

"Ng maganda?" agad kong tanong. Nagulat ako eh, ngayon lang ako pupuriin netong babaeng to.

"Ng demonyita." tss.

"Ano bang pwede kong gawin para tigilan mo na ko sa demonyitang yan, ha Anghela?" asar na ko e.

"Hmm. Rumampa ka sa harap habang binubura yung doodles ng mga kaklase natin sa board pero--" utos niya. Di ko na siya pinatapos. Kasi pag di pa ko kumilos, madadagdagan pa ang gusto niyang gawin ko. Demanding e.

Tumayo na ako at binura na ang mga sulat sa board. No choice.

"Mabait naman pala siya eh?" narinig ko sa likod ko. Napailing na lang ako sa kalokohan ni Anghela. Habang nagbubura ko, pumasok na ang teacher namin.

"Oh, what a role model. Look, she's a girl and look." sabi ni Ma'am.

Uh. Naflatter ako pero no, ayokong ginaganito. Mukha akong walangya pero nahihiya naman ako kahit papano eh. Tinapos ko na 'to para makaupo na. Hiyang-hiya ako. Patay ka sakin mamaya Anghela!

"Don't sit. Stay infront." she claimed. ANO!?

Mukha akong timang sa harap, parusa ba to? Akala ko ba role model? Tss.

"Okay, class, today's our election of officers. Keep in mind to vote wisely." and what am I supposed to do here?

"Eya, act as our temporary secretary at the mean time since you did a good act earlier." parang nabasa niya yung katanungan sa utak ko ah?

"So now, the table for nominations for the position of Mayor is now open. Any nominations?" tanong ni Ma'am sa klase.

"Yes, Jian?" tinawag niya si Jian na nakataas ang kamay.

"I nominate Kamylle." nahihiya niyang sinabi. Ah, may hiya pala siya.

"Ayyyiiiiiiiiiieeeeeee." the whole class teased.

Ah, crush pala ng mokong si Kamylle. Nakita kong inirapan ni Kamylle si Jian. Sadlyf.

"Patay na kay Shane." nakisigaw na si Rey. Ang pagkakaalam ko kasi crush din ni Shane si Kamylle. Maganda kasi 'yun, mabait pa. Chismosa ko noh? Oke back to work.

"Write Kamylle's name, Eya." utos ni Ma'am.

"Any other nominations?"

"Yes, Darel?" tawag ni Ma'am. Napatingin ako sa pangalang narinig ko. Yung.. Yung mata niya, nakatitig na naman sa akin. Zzzz. Ano ba kasalanan ko dito? Tumalikod na lang ako para isulat ang pangalang babanggitin niya.

"I nominate that girl." maarteng pagkasabi niya. Eh ano? Susulat ko dito 'that girl'? Lokohan ba?

"Write Eya." nagulat akong sinabi 'yun ni Ma'am. ANO!?

"Ohh, Kamylle and Eya hano?" asar ni Numa kay Jian.

"Pero Ma'am, a-ayoko?" deadly look ang binigay na reply sa akin ni Ms. Ramos. Chinita pa man din. Katakot!

Okay, fine. Kesa ako mapatay dito. Lagot yung Darel na yun sa akin. Sa bagay, hindi naman ako mananalo eh. May nagclose na ng nominations.

"Who votes for Kamylle?" 1..2..3..4..
"Who votes for Eya?" 1..2..3..4..

Please Lord, wag ako. Wag na wag ako. Please? Magpapakabait na ko. Wag lang ako manalo. Ayoko.. ayoko. Eto lang po, aayusin ko na mga ugali ko. Sana.. Sana..

Then the result came. Nagbunyi sila. Ako, okay naman ako. Okay lang naman talaga. Pero bakit ganito nararamdaman ko? Parang may mali sa hiling ko? Pagsisisi ba 'to?

"Congrats." Ma'am Ramos said to our newly-elected Mayor. Liningon ko na lang sila habang binubura na ang mga nakasulat sa board.

"Congrats din." bati ko.

The Bully Queen's SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon