3: Welcome to Hell

103 6 3
                                    

... hindi ako makapaniwalang unang araw, nabadtrip agad ako. Tss, wala pa nga akong kalahating oras dito.

"Siraulong tao to, nag-eemote at daydreaming yung tao tapos sisirain mo? Tao ka pa ba! Tao ka ha? Hayop!! Ugh." inis kong sabi pero nakatakbo na siya.

Ayan, nabadtrip na ko, unang araw pa naman. Tapos biglang nag ring yung bell. Aaaaaaaaaaaaa! Kaya pala tumatakbo yung hayop kanina kasi magbebell na. Ede ako naman yung kumaripas ng takbo kahit makabangga ako, wapakels, LATE NA AKO!

Nakarating na ako sa classroom namin. F-301. Haaaay, buti na lang at wala pa ang aming guro. Naupo na ko. Wag niyo nang tatanungin kung saan. Sa empty seat nga malamang! (Sinagot ko naman eh hano.) Habang nakikipagmalditahan ako sa aking sariling utak, may nararamdaman akong papasok. Ayan, malapit na siya pumasok. Ayan naaa, nakapasok na siya! Pumasok na siya. Oo nga, pumasok na. Adviser namin. Uyyy ano 'yon? Joke lang!

And, welcome to hell, Eya! Or should I say, get ready for hell, classmates.

DARLA'S POV:

Antagal ng guro namin ah? Napakarami ko nang nachika dito, pwede na para sa isang issue ng magazine. Gusto ko na sila makilala lahat. Nakakalurki! Ay, yan na pala.

"Good morning, class." bati niya. Huwow. English ah? Sana yung greeting lang.

"I am Ms. Ramos," tuloy niya. Please, Momskie, Tagalog, Please.

"I will be your English Teacher and at the same time, I would be your adviser. It is my first time to handle an advisory class and my first year to teach so please behave properly even though you are already grade 8 students. Before I let you introduce yourselves, let me give you one simple rule to follow not only when your classmates start to introduce theirselves but a rule to follow throughout the year and with every subject. I hope that would be okay with you. The rule is only one does the talking. Got it?" nganga.

Grabe, muntikan nang mag menstruation yung ilong ko, hindi pa naman ako nagdadala ng napkin. Ay ano? Nawala tuloy akizz sa pag-iisip. Napanganga ako sa guro naming itech, mag eexplode ang brains ko neto, OMG.

Ako yung nakaupo sa pinakauna at ako malamang ang unang magpapakilala. Dapat bongga ang aking entrudge (entrance) na para bang may red carpet dito. Tapos ano, tapos -

"Mr? Please introduce yourself." aya sa akin ni Ms. Ramos. Nako, tama na ang pagpapantasya, makapagpakilala na nga.

"&@^%#*?" bulong ko sa aming guro.

"Whatever language you want, Mr." sagot niya.

"Good morning everyone, I am Darel Marco and I'm.. I'm.. Masaya ako na magiging kasama ko kayo sa loob ng halos isang taon." nakakahiya, namental block ako nung nakita ko yung late kong kaklase na pumasok. Medyo badboy ang dating ah? Pero, wag kayo, gwapo! Umupo na ko pagkatapos kong magpakilala. Sumunod naman ang katabi ko, si Ryan. Hindi ko na yan pakikinggan, kanina pa kami magkachikahan. Mas bet kong tumulala sa aming late comer.

Mahaba rin ang pagpapakilala ni Ryan. Pagkaupo niya, sumunod yung Kath, saka ang tropa ko nung grade 7 (Erica, Ana, Liza at Rica - isa lang ang masasabi ko, MAGAGANDA KAMI!) at si Shane. Hindi ko sila masyado pinakinggan dahil busy ako. Busy akong tignan si Mr. Late Comer. Hanggang sa bumalik ako sa realidad nung tumapak sa harap yung susunod na magpapakilala. Aba, mukhang maarte. Mukhang kakabugin ang aking beauty. Nakita ko namang huminto sa daldalan si Mr. Late Comer nung natapos magpakilala si Shane. Aba talaga, maabangan nga 'tong babaeng 'to mamaya at makalbo.

"Hi, I'm.. Eya. Fourteen years old, born on September 1999 and I live in San Rafael, Bulacan. Nice to meet you all.." pakilala niya.

Ah, so Eya.. sounds like Yaya. Mas bongga pa rin ang Darla.. sounds like Darna! Iniirapan ko siya para kunwari cool, tapos bigla siyang nagsalita. Akala ko tapos na ang pa-Ingles Ingles niya, di pa pala. Bruha 'to!

The Bully Queen's SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon