"Welcome to Katsua University Sasumie Nakahara"
Biglang may humawak sa braso ko kaya naman napalingon ako bigla. Si Kuya pala.
"Hindi ko inaasahan na ganito ka nila i we-welcome. hahaha"
Ako din ay nag tataka.
"Good Morning Sir Nakahara and Miss Nakahara. Welcome to Katsua University!"
Sinalubong kami ng isang lalaking medyo may edad na. Base sa kanyang pananamit ay mukha siyang kagalang galang.
"Good Morning Mr. Dean"
Biglang nakipag kamay si Kuya sa kanya. Siya pala ang Dean dito. Ngiti nalang ang binigay ko sa Dean at sila nalang ang nag usap na dalawa. Habang nag uusap sila ay hindi ko mapigilang hindi pag masdan ang paligid. Kung aking susukatin sa tingin ay malalaman mong napaka lawak neto. Maaliwalas ang paligid.
"If you don't mind Mr. Dean i have to go now. May mga dapat pa kasi akong asikasuhin sa office."
"Oh sure Sir Nakahara. Kami na ang bahala kay Miss Sasumie."
Biglang humarap sa akin si Kuya at hinalikan ako sa pisngi.
"Sasumie behave ahh. Hahaha. I have to go na hintayin mo nalang si Mang Jose sa parking area mamayang 4:30."
Bago pa siya umalis ay pinat niya muna ang kamay niya sa ulo ko.
"Ano ba Kuya! Hindi naman ako Aso ! sige na bye na ! "
Tinawanan niya lang ako hanggang sa maka sakay na siya ng kotse at umalis.Tumingin naman ako kay Dean at ngumiti.
"Miss Jane. Ikaw na munang bahala kay Miss Nakahara. Again welcome to Katsua University I hope you will enjoy studying here."
Kasabay ng kanyang pag alis ang pag lapit naman sa akin ni Miss Jane.
"Hi Miss Nakahara ako nga pala si Miss Jane. Hali napo kayo at sasamahan ko po kayo sa classroom niyo."
Ngumiti nalang ako sa kanya dahil hindi naman talaga ako pala salita sa mga hindi ko masiyadong kakilala.
BINABASA MO ANG
I and Me
Mystery / ThrillerEverything comes to their end. What will you do if our everything comes to the nearly end? Accept me or not, I leave you a choice.