—
Masiyado siyang madaldal. Kung ano ano nalang ang pinag sasabi niya. Malalaman at malalam ko naman kung anong meron sa lugar nato habang tumatagal kaya bawat tingin niya sakin ay ngiti nalang ang binibigay ko sa kanya. Tumigil kami sa tapat ng isang pinto.
"Here's your ID Miss Sasumie. Just swipe your ID to open the door."
Ginawa ko naman kung ano ang sinabi niya. Base sa mga sinabi niya kanina mahigpit daw talaga ang facilities nila dito sa KU. Hindi na niya binanggit kung bakit at wala nadin akong balak malaman pa.
"Good Morning Miss Fukua. This is our new student Miss Sasumie Nakahara."
I bow my head infront of her. Sa tingin ko siya na ung adviser ko.
"Good Morning Miss Jane. Miss Nakahara please introduce yourself infront"
Dahan dahan akong pumasok sa pintuan. Hindi pako lumilingon upang makita ang mga mukha ng bago kong makakasalamuha araw-araw ngunit dama ko na lahat sila ay naka tingin na sa akin. Sa aking pag lingon ay makikita mo ang ibat-ibang mga mukha na kapag tinitigan mo sa mata ay agad mong malalaman kung sino sila at ano ang pag katao nila. Dumeretso ako sa gitna upang mag pakilala.
" I'm Sasumie Nakahara."
Wala kong balak mag salita ng napaka haba kaya agad akong nag bow sa kanila. Bakas sa mukha nila ang pag ka gulat ng malaman nila ang aking pangalan. Mahina man ang kanilang mga kumento ngunit dinig na dinig kopadin ito.
"OMG Nakahara?! Alam ko nasabi sakin ni daddy na sila ang nangunguna sa elite world sa buong bansa at sa japan! ."
"Base on her looks. I think she is."
Masiyado silang maingay kaya naman hindi kona sila pinansin pa. Sanay nako sa lagi akong pinag bubulungan ng dahil sa yaman ng aking pamilya.
"Miss Nakahara you can now sitdown."
Pinili ko ang upuan sa likod, malapit sa bintana. Umupo na ako upang maiwasan ang mga mata nilang halos gusto kang makatabi dahil sa mayaman ka. Mga plastic, attention seeker, bida-bidahan para tumaas ang tingin sa kanila ng iba. Natapos nalang ang klase ng wala akong naintindihan. Kung tutuusin ay hindi kona siya kailangan intindihin dahil alam ko naman ang salitang advance reading.
Hindi ako tumayo para mag lunch dahil hindi naman ako gutom. Inilabas ko ang librong bigay sa akin ni Kuya upang basahin. Napa tingin ako sa ingay sa unahan ng aking upuan. May librong nalaglag sa aking paanan. Dinampot ko ito at binasa ang naka sulat sa unahan. "Human Disorder" napa kunot ang aking noo sa aking nabasa, bigla namang may humablot nito sa aking mga kamay.
"Thanks"
Tiningnan ko kung saan nang galing ang napaka lamig na tinig nayon. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa mukha niya. Napaka among mukha para sa isang lalake, ngunit kapansin pansin ang mga mata niyang blanko. Tumalikod na siya upang umupo sa kanyang upuan, hanggang ngayon ay naka tingin parin ako sa kanyang likuran.
"A-anong pangalan mo?"
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yon. Napa yuko nalang ako sa hiya, ramdam kong namumula ang mga pisnge ko.
"Xenzie"
Napa angat ang paningin ko ng bigla siyang nag salita. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko hindi ko alam kung ano batong nararamdaman ko. Xenzie kakaibang pangalan ngunit napaka sarap pakinggan.
"A-ako naman si Sasumie"
Hindi na siya muli pang nag salita pag katapos kong sabihin ang aking pangalan. Pinag patuloy na lamang niya ang pag babasa at ganun din ako. Ngunit hindi ko padin mawari kung bakit ganon nalamang ang pag bilis ng tibok ng dibdib ko ng nag salita siya. Marami pang mga oras ang nakalipas. Sa dinami dami ng kumausap saken ay konting kibot lamang ang sinasagot ko sa kanila. Bumaba nako upang hintayin na si Mang Jose sa parking area, hindi rin naman nag tagal ay dumating na siya. Pag pasok ko sa kotse ay napalingon ako sa bintana, si Xenzie ang aking natanaw na nakasulyap sa akin ngunit kung titingnan mo ang kanyang mukha ay blanko. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko, napahawak ako sa aking dibdib at ibinaling nalamang ang aking paningin sa daan.
BINABASA MO ANG
I and Me
Mystery / ThrillerEverything comes to their end. What will you do if our everything comes to the nearly end? Accept me or not, I leave you a choice.