Sasumie's POV
—
Natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit, maraming beses ko ng inisip kung bakit parang takot na takot ako ngayong araw, ni hindi nga ako pumasok sa school ng dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. Napasinghap ako ng malalim, hanggang ngayon padin ba nandito padin ito, ang kabang minsan ng nangyari saakin? Kung tutuusin ay pangalawang beses na itong nangyari sa akin, ako lamang ang nakaka alam neto dahil ayaw konang mag alala pa sa akin si Kuya.Napag pa siyahan kong mag pa hangin muna sa labas kaya naman agad akong nag bihis at lumabas na ng aking silid.
"Manang pa sabi nalang po kay Kuya na mamamasyal lang ako."
Hindi kona hinintay ang sasabihin niya dahil alam ko naming hindi ako papayagan ni Kuya. Sinabihan ko nadin si Mang Jose kung pwede niya kong ihatid sa Mall. Makalipas ang ilang minuto ay nandito na kami sa mall, pinasama kona sa akin si Mang Jose upang tulungan ako sa mga pamimilhin ko.
"Mang Jose pahawak naman po nito."
Inabot ko sa kanya ang mga grocery at laruan na pinamili ko. Umalis na kami ng mall at sumakay na ng kotse. Hindi ko na kailangan pang sabihin kay Mang Jose kung saan ang punta naming dahil alam na naman niya kung saan ito.
"MIEEEEE !!!! SI MIEE NANDITO !!"
Isang munting tinig agad ang aking nadinig ng bumaba ako sa kotse. Tumatakbo silang lumapit saakin at isa isa nila akong hinalikan.
"Mie na miss po namin kayo ! "
"Tama po si Jojo Mie, namiss kapo namin"
"Mie may pasalubong po ba kayo sa amin?"
"Ano kaba Nei hindi kaba nahihiya kay Mie?"
Napangiti naman ako sa pag nguso ni Nei kaya naman binuhat ko siya.
"Oo Nei may mga pasalubong ako sa inyong lahat kaya bumalik na kayo sa mga kama niyo at ihahatid kona sa inyo ung mga pasalubong ko."
Kitang kita sa mga mata nila na natutuwa sila. Halos mag ningning ang mga mata nila ng malaman na may salubong ako sa kanila. Ibinaba ko na si Nei at nag uunahan naman silang pumasok sa loob ng bahay.
"Kumusta na Mie? Tagal moding hindi nakadalaw sa mga bata ahh?"
Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa gilid ko.
"Oo nga po Sister ehh, medyo naging busy lang po sa bahay."
"Ganun ba? Kumusta na nga pala ang Kuya mo? Tara na at pumasok sa loob."
"Sige po. Mang Jose tara na po. Sister okay lang naman po si Kuya. May mga dala po pala akong mga grocery para sa inyo at sa mga bata."
"Ay maraming salamat Mie, bat nubayan ka ng Panginoon dahil sa napaka buti mong bata."
Ngumiti nalang ako kay Sister at nag paalam ng pupunta na sa mga bata. Binigay ko naman isa-isa sa kanila ang mga laruan, tuwang tuwa naman sila sa mga natanggap nila, lumapit sa akin si Nei upang mag pa karga.
"Mie! Ang ganda nitong manika! Thank you Mie"
Isang napaka sarap na halik ang binigay niya sa akin.
"Mie alam moba may Daddy na ako. Gusto ko sana ikaw nalang ang maging Mommy ko."
Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Nei. Daddy? Sino naman kaya ang tinutukoy niya?
"Nei sinong Daddy?"
"Si Daddy Pogi po, hihihi ayaw niya pong sabihin ung pangalan niya kaya Daddy nalang daw ang itawag namin sa kanya. Mie ikaw nalang ang Mommy ko ha.?"
"Oo naman Nei."
Biglang lumaki ang mga mata nito at niyakap ako bigla.
"Yehey ! May Mommy nako at Daddy. ! I love you Mommy! Mwua"
Isang halik nanaman ang binigay niya sa akin. Hindi kona pinansin pa ang sinasabi niyang Daddy. Nakipag laro nalang ako sa kanila at hindi ko namamalayan na hapon na pala kaya napag pasiyahan konang mag paalam sa mga bata at kay Sister.
"Sister alis na po ako, Nei uuwi na si Mommy ha. Hayaan mo dadalawin ko uli kayo dito."
"Sige na iha at baka maabutan pa kayo ng dilim. Salamat uli ha."
Nag mano na ako kay Sister at hinalikan uli si Nei sa pisngi at nag paalam ng umuwi.
BINABASA MO ANG
I and Me
Mystery / ThrillerEverything comes to their end. What will you do if our everything comes to the nearly end? Accept me or not, I leave you a choice.