Unknown POV
—
Dahan dahan kong binuksan ang kahon kung saan nakalagay ang mga laruan ko. Hinimas himas ko muna ang mga ito bago ko ilabas ang mga ito. Isang ngiti nanaman ang gumuhit sa aking mukha. Gustong gusto ko ng gamitin ang mga ito ngunit na ngako siya sa akin na sa labas ako mag lalaro kaya naman kinuha kona ang isang Baseball Bat at ang paborito kong patalim, ngunit parang mas nais ko yatang dag dagan pa ang laruan ko. Tiningnan ko muli ang mga laruan ko, natanaw ko ang lubid at agad naming kinuha iyon. Dahan dahang bumukas ang pinto kaya naman tumayo nako.
"Tutuparin ko ang pangako ko, kaya tara na."
Naka ngiti niyang bungad sa akin. Lumabas na kami ng bahay at sumakay na sa kotse. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa gagawin ko mamaya. Tumingin ako sa kanya at binigyan siya ng isang matamis na ngiti, batid niyang Masaya ako dahil lalabas kami. Hindi rin nag tagal ay tumigil na ang sasakyan sa isang abandunadong gusali, nag uumpisa ng sumaya ang aking mga kalamnan sa mga gagawin ko mamaya.
Dahan dahan niyang binuksan ang pinto at naririnig kona ang mga nag mamakaawang tinig nila. Napaka sarap pakinggan, tila ba'y isa itong napakagandang himig sa aking tainga.
"TULUNGAN NIYO KAME !!! PARANG AWA NIYO NA PO !!"
"HUHUHUHUHU. TULONG ! "
Pinag masdan kong maigi ang mga mukha nila. Mga taong walang silbi sa mundong ibabaw, mga bago kong pag lalaruan ngayon.
"Nagustuhan moba?"
"Oo naman. Ngunit nais ko sanang ibitay ang babaeng iyon."
Naka ngiti kong sabi sa kanya at tinuro ang babaeng tulog parin hanggang ngayon. Pinatawag niya ang mga kalalakihan at pina bitin ang naturang babae sa kisame at tuluyan na siyang nag paalam sa akin. San ko ngaba uumpisahan? Nabaling ang aking paningin sa babaeng naka bitay, sayang ang ganda niya para mamatay nalang bigla kaya naman pinabayaan ko muna siya, habang nahihirapan sa pag hinga ng dahil sa lubid sa kanyang leegan. Umpisa na ng laro.
BINABASA MO ANG
I and Me
Mystery / ThrillerEverything comes to their end. What will you do if our everything comes to the nearly end? Accept me or not, I leave you a choice.