Naka-masid lang ako kay Josh mula sa malayo habang nag-lalaro sila ng mga kaibigan niya ng basketball sa gym ng school. Ako 'yung isa sa mga fan girls ng basketball team nila. First year highschool na kami ngayon pero crush ko pa rin siya. Mula kasi nung naging magkaklase kami nung grade 1, na-kyutan na 'ko sa kaniya.
Pagkatapos ng laro'y bumalik na 'ko sa room, wala pa naman si Miss Mendez kaya nag-basa muna ako ng libro.
Lumipas ang napaka-raming oras at tumunog na nga ang bell. Lunch time na, kaya nama'y pumunta sa 'ko sa cafeteria. Pagkarating ko doon, marami na namang nagbubulungan at nakatingin sa akin nang masama. Huminga nalang ako nang malalim saka nagtungo sa library, doon ko lang kasi naisip na hindi talaga ako belong sa school na 'to. Mag-babasa na lang ako ng mga libro kaysa makipag-halubilo sa mga taong aapihin lang ako.
Nang matapos na ang buong araw ng klase'y lumabas na rin ako ng room. Sobrang nakaka-bored 'yung araw na 'to, wala man lang kumaka-usap sa akin. Well, palagi naman.. pero- kahit isa man lang sana may pumansin sa akin.
Palagi nalang nilang sinasabi na isa lang akong Nobody at pangit na Nerd. Eh ano naman ngayon? Sanay na 'ko doon.
Pagka-labas ko ng gate, may naka-salubong akong grupo ng mga lalaki, naka-tingin sila sa akin pero hindi ko na lang 'yon pinansin dahil masasayang lang ang oras ko.
"Uy si Cheska!"
"Hi Cheska!"
"Pa-kopya ako ng assignment mo sa Math bukas, ah?"
"Huy! Pansinin mo naman kami"
Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi ng mga lalaking iyon, nag-patuloy nalang ako sa pag-lalakad. Si Chard 'yon at ang grupo niya, kasali sila sa gang kaya ang lakas ng loob niyang mangopya sa akin. Isa pa, kaklase ko rin siya kaya minsan ay wala akong nagagawa kapag hinahablot niya palagi 'yung papel ko kapag may exam or assignment. Isa siyang malaking ungas na bully sa school namin.
"Hoy Cheska!" Nagulat ako nang may biglang humawak sa braso ko. Sobrang higpit no'n kaya nama'y napa-ngiwi ako. Wala nang tao sa paligid dahil med'yo naka-layo na kami sa school.
"A-ano na naman?!" Singhal ko sa kaniya. Tinadyakan ko nang malakas 'yung tuhod niya kaya nabitawan niya 'ko. Naka-takbo rin ako nang mabilis pero mabilis rin akong na-habol ng mga kasama niya.
Lumapit ulit sa akin si Chard saka nilapirot ang baba ko. "Pasaway kang pangit ka ah!" Napa-pikit ako nang nang sampalin niya 'ko nang malakas.
"Hoy mga ungas!" Sabay sabay kaming napa-tingin sa 'di kalayuan nang marinig namin ang sigaw na 'yon. J-josh?
"Hoy! Sinong ungas? Ha?! Bakit sino ka ba?!" Nilapitan ni Chard si Josh. Pati na rin 'yung mga naka-hawak sa akin ay binitawan ako para puntahan sina Chard at Josh.
"Ako lang naman ang captain ng basketball team" ngumisi si Josh. "At ako lang din naman ang anak ng may-ari ng school na pinapasukan niyo. Gusto n'yo bang ma-kick-out?!"
"Ibig-sabihin ikaw si Santos?!"
"Oo" nilagpasan niya sila Chard at lumapit siya sa akin. Nagulat na lang ako nang akbayan niya 'ko. "At once na galawin niyo ulit 'tong girlfriend ko, yari kayong lahat sa akin"
BINABASA MO ANG
SB19 fanfictions (Short Stories)
FanfictionThis book is contains of one shot dedications related to SB19. The starring characters are not my ownership. This is a mere fanfiction, all contents are inventions. Do not take this seriously. Date started: February 2022