07. Orphanage : Justin

30 1 0
                                    

"Miss Amanda!" Masigla akong sinalubong ni Miss Mary. S'ya ang namumuno sa orphanage na palagi kong dinadalaw.

Nga pala, ako si Amanda. Halos ilang taon na rin akong dumadalaw sa orphanage na malapit sa amin. S'yempre nagdodonate ako, kahit na, hindi ako gano'n kayaman. Second year college na 'ko, 20 years old.

"Magandang umaga, Miss Mary"

"Magandang umaga din, na-miss kayo ng mga bata, palagi ba naman kayong hinahanap" pabiro ako nitong nginitian.

Tumango nalang ako bago ngumiti. Ang ngiti na ipinakita ko'y hindi mapapantayan ng kahit sino, sobrang saya ko ngayong araw dahil araw na ng sweldo ko, madami akong maiaambag sa orphanage at marami din akong matutulungan. Working student ako, that's why.

"Nasaan po sila?" Tanong ko.

"Sa playground, samahan ko nalang kayo-"

"Kaya ko na po" pinigilan ko s'ya ng akma n'yang bibitbitin ang maleta ko. Umuwi kasi ako sa probins'ya namin sa batangas nung nakaraang linggo, kauuwi ko lang ngayon kaya dito muna ako dumiretso. May mga pasalubong din kasi ako para sa mga bata.

"Ito naman para sa 'yo, chichi"

"Salamat ate Amanda" nginitian ako i chichi. Kasalukuyan akong nagpapamigay ng mga teddy bears at mga pasalubong sa playground.

"Ang dami ng dala mo ate ah?" Nilapitan ako ni buknoy, ang pinaka bibo sa lahat ng pabibo.

"Sumahod kasi si Ate n'yo, tapos ayon umuwi ako sa batangas nung nakaraang linggo"

"Kaya pala isang linggo ka naming 'di nakita, ate" lumapit din sa akin si Ash.

"Oo-"

"Kuya Justin!" Sabay sabay kaming napatingin sa 'di kalayuan. Isang matangkad na lalaki ang pumukaw ng atens'yon naming lahat.

"Kamusta kayo?" Malambing na boses ang lumabas mula sa bibig ng binatang nasa 'di kalayuan.

"Kuya Justin!" Lahat ng bata'y lumabit sa lalaking nasa 'di kalayuan.

Agad naman akong napalingon sa tabi ko, nasa tabi ko pa rin si buknoy. "Sino 'yon?" Tanong ko.

"Si kuya Justin po"

"Parang ngayon ko lang s'ya nakita dito ah?"

"Nung isang linggo lang po s'ya dumalaw dito, nung wala kayo, nandito naman po s'ya"

Sabay kaming napatingin ni Buknoy sa lalaki ng bigla itong naglakad kasama sila Chichi patungo sa gawi namin.

Sa bawat pag hakbang n'ya papalapit sa amin ay unti-unti akong nakararamdam ng panlalamig, 'yung mga palad ko! Pakiramdam ko'y naninigas na rin. Hindi ko alam kung bakit!

"Kuya Justin!" Bigla nalang akong natauhan ng marinig ang tinig na 'yon na nanggaling kay Buknoy, nilapitan n'ya ang lalaki.

"Kamusta?-" nagulat ako ng mahagip ako ng paningin n'ya. Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin.

"Hi"

"Hello" nginitian ko s'ya ng tipid at saka pinagpatuloy ang ginagawa, nilalabas ko ang mga pasalubong mula sa maleta ko.

"Tulungan na kita" ibinaba n'ya ang mga dala n'ya at saka lumapit sa akin. "A-ayos lang ako"

"Hayaan mo 'kong tulungan ka- By the way, I'm Justin de Dios" inilahad n'ya ang kanang kamay n'ya sa akin.

Ilang segundo ko pang tinitigan 'yon bago ko tinanggap. "Amanda Gabriel"

Ngumiti s'ya sa akin bago tinuro ang maleta ko. "Tulungan na kita ah?"

SB19 fanfictions (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon