Faye's POV
Yaaaay, nakabalik nako sa school ko. Nakakamiss.
Isang taon kase akong nagaral sa isang school, kasi lumipat kami ng bahay. At yun yung pinakamalapit.
But it doesn't matter anymore, kase now I'm back.
But ugh, first week ko sa school and naiinis ako sa katabi ko, si Brent. Palagi nya kase akong kinukulit, though palagi nya rin akong nililibre, hinahatid sa bus, mas madalas nya naman akong kulitin. Walang tigil na kulit.
One day, sobrang kulit nya talaga sakin, as in parang hindi ako tatantanan sa pagaasar, sa pabirong panlalait. Pinagsabihan ko sya at first. "Brent, alam mo ba, hindi lahat ng bagay nakukuha sa biro. Minsan kailangan mo ring magseryoso." Sabi ko.
"Hindi naman kita binibiro eh, in fact, sineseryoso kita." Sabi nya ng tila pabiro. Parang nawala yung chill ko. "ANO BA? DIBA SABI KONG SERYOSOHIN MO NAMAN? SA TINGIN MO SERYOSO NA YAN? HA? SUMUSOBRA KA NA KASE!" Nasabi ko ng pasigaw sa classroom, lahat sila nagtinginan samin. Buti wala pa si Sir Marcel. Tapos walkout. Pero sa cr lang naman ang punta ko. At may balak talaga akong bumalik sa classroom.