Pagbalik ko sa classroom, nagtinginan parin sila sakin, and wala parin si Sir Marcel. Pagtabi ko sakanya, nagdrawing nalang ako. Drawing ng isang lalaki. Lalaking napanaginipan ko.
Habang nagdro-drawing ako, sorry sya ng sorry saken, pero 'di ko sya pinapansin. And for the last time, bago mag dismissal, sinulat nya at nilagay sa upuan ko.
"Panget,
Sorry na. Sorry talaga. Promise ko sayo, hindi na kita kukulitin. Hindi na. Pangako yan.
Kulit"
Pagpunta ko sa canteen, nandun parin sya naghihintay, sa pwesto namin, naghihintay para ihatid ako sa bus. Kahit na galit ako sa kanya. Edi wow. "Galit ako sayo, diba? Siguro naman by now mapapansin mo yun. May gana ka pang ihatid ako sa bus." Sabi ko ng pataray.
"Sorry. Pero kahit anong mangyari, kahit di na tayo magpansinan, hihintayin parin kita dito, at ihahatid parin kita sa bus mo." Sabi nya. Pero in fairness, first serious talk namin 'to.
Wala naman akong magawa kasi kinuha nya na yung bag ko.