Part 5.

10 0 0
                                    

"Wala, narinig ko lang. Meron nga ba talaga?" Seryosong tanong ko. "Oo meron, pero parang wala." Sabi nya. "Meron pero parang wala? Ano yan, parang naliligo ng hindi nababasa?" sabi ko naman. "Oo, officially kami, pero physically and emotionally hindi. Long distance kase. Nasa Pilipinas ako, nasa Dubai sya. Magkabilang mundo nga eh. Gabi dito, umaga doon. Di na kami naguusap. Wala narin akong nababalitaan tungkol sa kanya. Wala. Pero kahit hindi ko sya nakikita, kahit hindi ko sya nakakausap, kahit pilit na akong makamove on, sya parin yung tinitibok ng puso ko. Sana ako parin ang tinitibok ng puso nya." Humugot nanaman si Brent, may pinagdadaanan nga.

"Eh bakit naman sya ang tinitibok ng puso mo? Dugo yun diba? And, nasa hypothalamus mo sya. Hindi sa puso." Sarcastic na pabiro kong reply. Para lang matawa sya.

"Ikaw naman eh, gusto mo ng matinong sagot, pero ikaw mismo di matino." Mukhang seryoso nyang sagot. "Sorry naman." Sabi ko. "Basta wag kang magalala, pag may problema ka, nandito lang ako. Magkakausap din kayo nyan. Kung mahal mo talaga, gawan mo ng paraan." Dagdag ko. "Nandito lang ako para palitan sya sa puso mo." Wait what? Bakit yan yung naiisip ko.

"Ano ba ang pangalan ng girlfriend mo? Baka matulungan kitang hanapin sya." sabi ko. "Laine Marquez." Yun yung sabi nya. Sus, mas maganda pa pangalan ko eh. "Thank you ah." Malungkot nyang pagkakasabi. "No problem. Ganyan talaga pag hindi mo na ako kinukulit, mabait naman ako eh. Hahaha." Pabiro kong sabi. "Dapat nga talaga hindi na kita kinukulit. So ano, hatid na kita?" Tanong nya, first time nyang tinanong yun. Dati kase hindi nya na tinatanong. Kinukuha nya na lang yung bag ko at diretso na sya ng punta sa bus ko. "Hindi na. Kaya ko na." Pakipot kong sabi. Umaasa na baka ihatid nya parin ako.

I'm Fallin'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon