Pero I've always wondered, bakit ako pa ang mas pinipili nyang kasama kesa sa girlfriend nya. I mean, araw araw ba silang cool off?
Kase kapag ganyan kami ka-close ni Brent, for sure malalaman ko na may girlfriend sya by his actions. Pero hinde eh, mukha pa nga syang single na hindi pa nakakamove on.
Baka gusto nya ako? Baka niloloko nya lang yung girlfriend nya? Baka hindi nya na sya mahal?
Yun yung mga tanong na pumasok sa isip ko. Pero wag assuming. Tsaka, like I said, di ako magkakagusto dun.
Finally, nakasurvive na ako sa 40 days na walang seatmate. Nakakamiss din pala sya. Pero oo nga, nagbago sya. Di lang yung ugali nya, pati yung mukha nya, I think.
"Aba dumating na rin si Kulit. Nabago ata yung hairstyle mo?" Binati ko sya. "Nakakamiss ka rin pala. Hahah. Hindi naman nagbago hairstyle ko eh. Bat mo naman nasabi yun? Baka namiss mo lang ako hahaha." Pabiro nyang sinabi.
"Ikaw? Mamimiss ko? Asa ka. Bago magselos yung girlfriend mo, hahahaha. Feeling ko lang kase nagbago yung style ng hair mo." Pabiro ko ring sinabi. Namiss ko nga sya, ayoko lang aminin. Pero may nahalata ako, nung sinabi ko na baka magselos yung girlfriend nya, nagiba sya ng facial expression.
"May mga bagay talaga na hindi mo napapansin, kaya nung binigyan mo ng pansin, akala mo may nagbago, pero all the time, it never changed." Humuhugot na sya aba. "By the way, pano mo nga pala nalaman na may girlfriend ako?" Tanong nya. Parang na-hotseat ako bigla ah.