Chapter 1

531 19 2
                                    

Nadine's POV

Hay. Umaga na naman. At first day of school pa! Kaya naeexcite ako eh. At maganda din ang gising ko at maayos pa naman ang mood ko.

"GOOOD MORNING WORLD!"

Sigaw ko muna sa kwarto bago pumasok ng banyo at magprepare. Pagkatapos ko maligo, nagbihis na lang muna ako ng uniform. Nilugay ko lang yung buhok ko kasi basa pa naman. Tapos nag lagay ako ng konting make-up, yung light lang naman para magaan sa pakiramdam at mukhang natural.

Bumaba na rin ako para kumain ng breakfast. Pagkababa ko, binati ko sina mommy at daddy at pati na rin ang aking baby sister, si Naomi.

"Good Morning po, Daddy!"

"Good Morning po, Mommy!"

"Good Morning din, baby sister ni ate!"

"Ate naman eh! Pero good morning din!"-Naomi

"Good Morning din, anak. Osya, umupo ka na dito. Ikaw na lang ang inaantay."-Mommy

"Yes po."

Nang nakatapos na kaming kumain, nag-toothbrush muna kami. Siyempre naman, 'no! Di ako tulad nung iba na pagkakain eh hindi na magto-toothbrush at diretso na sila sa school. Yuck! Pupunta sila ng school nang 'di nag0toothbrush? Bad breath, uy!

After non, lumabas na kami ng bahay. Sina mommy at daddy magkasama dun sa isang kotse. Pupunta kasi sila sa office eh. Kami? Eto pupunta dun sa isa pang kotse, magpapahatid kay kuya Peter.

"Hi kuya Peter! Good Morning po! Kuya, pahatid na po kami ni Naomi sa school!"

"Good Morning din sa inyo Nadine! Naomi! Sya sige, sakay na kayo sa kotse ah. Tatawagin ko lang si ate Jonah para pabuksan yung gate. Sandali lang ah."-Kuya Peter

Si kuya Peter ay halos ka-edad ko lang. Mas matanda lang siya ng tatlong taon sa akin. Si ate Jonah naman 'yung pinakaclose ko sa mga kasama namin dito. Boyfriend niya si kuya Peter, ang tagal na nga nila eh! Ang galing! Dito din sila nagkakilala sa bahay namin five years ago. Gusto ko sanang i-kuwento sa inyo ang love story nila kaso dumating na si kuya Peter kaya next time na lang.

Nandito na kami sa tapat ng school, na kung saan makikita mo ang malaking gate na black. At sa magkabilang dulo, may maliit na gate na magsisilbing daanan ng mga estudyante. Naglilibot dun, ang guard. Kilala na nga ako nyan eh!

"Nadine! Naomi! Nandito na tayo. Hindi ko na ipapasok 'tong kotse ah. Sige."-kuya Peter

"Okay kuya! Salamat!"

Bumaba na kami sa kotse. Pumasok na kami ng campus at siyempre binati ko muna si kuya guard.

"Hi kuya guard! Good Morning! Aga pa, nakabantay na agad!"

"Good Morning din sa inyo Nadine at Naomi! Ang aga niyo ah! Excited kayo sa first day eh ano?"-kuya guard

"Oo nga po, sobrang excited nga po eh. Sige kuya ah, alis na kami. Ihahatid ko pa po itong si Naomi sa building niya."

"Sige sige. Mag-ingat kayong dalawa."-kuya guard

"Opo! Sige po! Bye!"

At yun, umalis na kami at hinatid ko na si baby sister! Nang makarating na kami sa building niya, nagpaalam na ako sa kanya.

"Good Bye baby sisterette! Enjoy your first day baby Naomi ni ate!"

"ATEEE NAMAN EH! UGH! BABYEEE DEEN!"-Naomi

Pagkatapos nung pagpapaalam na yun, pagpapaalam nga ba?
Parang asaran lang eh.

Naglalakad na ako papuntang building namin. Habang naglalakad ako, patingin-tingin ako sa paligid ko. Dahil wala lang, gusto ko lang tingnan.

Ang dami kong namiss simula nung nag-summer vacation na.

Namiss ko 'yung baliw kong mga kaibigan na kung minsan, inaatake na ng kanilang topak.

Namiss ko 'yung magaang simoy ng hangin sa school. 'Yung ang refreshing 'pag may problem ka or stressed ka.

Namiss ko din 'yung mga teachers na lagi na lang kaming pinahihirapan sa mga projects. Ang hihirap ng mga binibigay eh.

Namiss ko rin 'yung mga kaklase kong maiingay, mga chismosa, mga tahimik, mga loner, mga easy-go-lucky lang, mga nakakaasar na mga schoolmates na kung makatili, wagas!

Nandito na ako building namin. Dumaretso na ako sa cafeteria. Tuwing first day kasi, doon kasi kami nagkikita-kita ng mga kaibigan ko.

Since wala pa namang masyadong tao dito sa cafeteria, magpapakilala muna ako.

I'm Nadine Alexis Paguia Lustre. Daughter of Ulysses 'Uly' and Myraquel 'My' Lustre. 17 years old.
[A/N: Pinabata ko po muna si Ate Nadz ah. Even their group. Pati na rin po sina Kuya James at ang tropa nila.]
Third year college taking the course of Business Management. Studying at Alta Institute, Inc. together with my little baby sister Naomi here at Alta. 

And yeah, that's me.

"Nadz! Yihee! I'm here na!"-Yassi

'Yan si Yassi. Yasmin Isabel Pressman. One of my bestfriends. Kung tutuusin, sa kanilang tatlo ay siya ang pinaka-close ko.

"Nadz! Yass! Helloo!"-Kathryn

Si Kath. Kathryn Chandria Manuel Bernardo. Isa rin siya sa mga bestfriends ko. Close ko din yan! Lahat naman kasi kami ay close. Turingan namin is parang sisters na.

"NADZ! YASS! KATH! AWIEE! HELLOOO! FIRST DAY NAAA!"-Julia

And that's Juls. Julia Montes. Isa rin siya sa mga bestfriends ko. At siya ang parang nakalunok ng megaphone samin lalo na pag nagsasalita yan. Malakas na. Paano pa kaya kung nakasigaw yan kanina?

Kami ang tinaguriang FabFour ng school. Fabulous Four. We know naman na it's common pero hindi naman ako ang nagpasimula niyan. Si Yassi. Well obviously, mahilig siya sa fashion. She likes fashion. A lot. Siya ang fashionista ng group and fashion icon ng school.

Si Kath naman, siya ang dancer ng group. Dancing Machine Princess ang tawag sa kanya. Magaling kasi siyang sumayaw. And if Yassi likes fashion, well Kath, she likes dancing.

Si Julia naman, she's the MVP Princess of the group. Well, even in the school, same as Kath and Yassi. Julia is an athletic person. It's not kinda obvious but she is. Yeah, she really is. And me?

I am the leader of the group. Nakakapagtaka nga na ako yung ginawa nilang leader, hindi naman ako yung nagpasimula ng group at nagbigay ng name. And I am a lyricist. I like writing songs. And if I am in the mood to as a lyricist, I always put on the motto I have. "When words fail, music speaks." Yeah, I love music. Music gives me strength. Power. Freedom.

"Omg! Andyan na silaaaaaaa!"-Girl #1

"Teka lang girl! Maganda na ba ako?"-Girl #2

"Maganda ka naman talaga eh. Okay na yan! Pero mas maganda pa rin ako sayo. Kaya let's go na!"-Girl #1

Hay nako. Hindi naman sila magaganda eh. Naging maganda lang naman sila dahil nasobrahan ang make-up nila. At ang kakapal pa! Nagmukha na nga silang clown kesa magmukhang tao. Nasaan ba ang party?

Wapakels naman ako kung sino yung pupuntahan nila.

Halos lahat nga ng estudyante ay pumupunta sa may gate, at wala ding naglalakad sa gitna ah! Hating-hati nga sila eh. Sa kaliwa ang lalaki at sa kanan naman ang mga babae. Ang organized pa kasi may mga nakapilang sunod-sunod sa unahan tapos bahala ka na lang kung sino ang susundan mo sa kanila. Grabe lang ata itong mga darating na ito, pa-F4 pa eh.

Niyaya ko na lang yung tatlo na pumunta ng classroom, mahirap na't baka malate. First day na first day pa naman.

Habang paakyat kami ng hagdan papuntang fourth floor, yes fourth floor. Doon kasi ang section namin, St. John of the Cross. Catholic school din kasi itong Alta Institute.

Nasa fourth floor na kami pero abot parin dito ang sigawan ng mga estudyante. Nakakarindi ang mga tilian nila! Sino ba kasi ang mga tinitilian nila?

Clash of the PopularsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon