Chapter 5

210 12 0
                                    

Bret's POV

Good Morning!

Maaga akong papasok ngayon. Bakit? Mamaya, malalaman niyo.

Pababa na ako sa kwarto ng makita ko ang Dad ko na nasa sala.

Dere-deretso lang ako. Huminto lang ako ng tawagin niya ako.

"Invisible ba ako Bret?"-Dad

"Oo. At sa paningin ko yun."

"Bakit ka ba ganyan? Ha?! Anak parin kita Bret! Wag mo akong sagutin ng ganyan!"- Dad

"Hindi mo parin ba alam ang dahilan? Hanggang ngayon ba hindi mo parin matanggap na hindi isang ama ang turing ko sa'yo?"

*BOOGSH*

Napa-upo ako nang sapakin ako ng tatay ko sa pisngi.

'Wag mo akong sagut-sagutin ng ganyan Bret! Kung hindi mo matanggap na wala na ang Mama mo, wag ako ang sisihin mo!"-Dad

"Bakit hindi ikaw? Eh sino? Ako? Ako ba ang nambabae?! Hindi naman diba? Ikaw naman talaga ang may kasalanan! Nahuli ka ni Mama na may kabit. At kasama pa niya si Alexandrea non! Kung hindi ka sana niya nahuli, edi sana andito pa si Mama at Alex! Ano? Tama naman ako, hindi ba?"

Siguro sa pagtatago ng mga nararamdaman ko sa matagal na panahon, sumabog na ako. Hindi ko na kaya eh. Dala na rin ng sobrang galit at lungkot kaya ko nasigawan ang tatay ko. Nagulat naman siya ng sigawan ko siya.

Bakit? Tama lang sa kanya yan! Kasalanan naman talaga niya kung bakit nawala si Mama at si Alex eh, ang nag-iisa kong kapatid.

At simula non, naging katulad ako ng tatay ko.

Kilala siya noon bilang isang Casanova. Pero si Mama lang daw ang sineryoso niya at ang nagpatino sa kanya nung mga kabataan nila. Hanggang sa nagpasya na silang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya. Nung mga unang araw na sila ay bagong kasal, sobrang saya daw nila non lalo na nang dumating ang unang anak nila. Ako yun. Habang lumalaki ako, nararamdaman na daw ni Mama na nag-iiba na si Dad. Lagi na siyang nasa opisina niya. At kadalasan, dun na rin siya natutulog. Sa minsanang pag-uwi ni Dad sa bahay, nalaman ko na may bago na pala akong kapatid. Si Alexandrea yun. Sobrang close kami nun, kahit kami nina Mama. Pero isang araw, nahuli siya ni Mama sa opisina niya na nambabae at kasama pa niya si Alex nun. Nagkaroon sila ng aksidente pauwi dito sa bahay. At kahit ang kapatid kong si Alex, nawala na rin.

Ewan ko ba kung bakit Casanova?

Hindi ko din alam. Hindi ko ginagaya ang tatay ko. Basta ang alam ko, nagmamakasaya muna ako sa buhay ko. Kung dumating man ang babaeng iyon sa buhay ko, bakit hindi i-try? Bakit hindi subukang mahalin siya? At hindi pakawalan. At mas lalong hindi lokohin.

Pagkatapos kong sabihin kay Dad yun ay lumabas na ako ng bahay.

Sa isip ko lang siya tinatawag na Dad. Pero kapag nagsasalita na ako, NEVER ko siyang tinawag. Salita lang ako ng salita ng walang Dad.

"Good Morning Young Master."-Butler John

"Akin na yung susi ng kotse ko."

"Huh? Pero Young Master, ang bilin po ng Daddy niyo ay-

"Damn. ibibigay mo ba saken o ifa-fire kita?!"

"W-wag po."-Butler John

"Akin na!"

Binigay naman niya sa'kin.

Agad akong sumakay sa Porsche 911 gt2 ko na kulay black. Pinaharurot ko ito ng mabilis. Badtrip ako ngayon. Sobrang badtrip.

Clash of the PopularsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon