Chapter 2: A Loving Mother

223 7 1
                                    



YANCEY


Naghihina akong napaupo sa sofa ng bahay ko. Hindi ko lubos maisip na makikita ko ulit siya after many years. Hindi ko naisip na dadating sa point na makikita niya akong sumasayaw na halos wala na suot para lang magkapera. Pero wala akong magagawa, nalugi ang negosyo ng mga magulang ko tapos magkasunod pa silang namatay. Naiwan naman ako na lubog sa utang. Kaya kailangan kong magsikap para mabayaran ang mga utang namin. Wala namang tumatanggap sa akin dahil sa records ng pamilya ko kahit na magaling akong Engineer.


"Babes? Okay ka lang ba?" lumapit si Alex sa akin at binigyan ako ng tubig. Tinanggap ko ang tubig na binigay niya. Isa siya sa mga dahilan kung bakit mas kailangan ko pang magsipag. Para sa kanila. Isa din siya sa dahilan kung bakit nakabangon ako sa kabila ng lahat na dumaan na problema sa buhay ko. Siya ang strength ko at ang weakness ko.


"Okay lang ako. May problema lang si Babes." I fake a smile para di niya mahalata na may problema ako. Pero alam ko na observant siya, kaya malalaman niya pa rin ang nararamdaman ko in many ways.


"Nay. Pwede niyong sabihin sa akin." mahina akong natawa.


"Wag ka ngang magkunwaring matanda. 6 years old ka pa lang po." at tuluyan na akong natawa. He really acts matured. Sobrang matured sa edad niya. Nagmumukha tuloy siyang tatay ko.


"Nanay. Bata man ako sa iyong paningin, ako ay gwapo pa rin." mas natawa ako sa sinabi niya. 


"Akin yung joke na yun ahh! Magnanakaw ka!" sigaw bigla ni Aris. Siya kasi ang pinaka joker sa kanilang lahat. 


"Hindi ako magnanakaw. Sadyang gwapo lang talaga ako." 


"Tama na nga yan. Asan na ang iba niyong kapatid?" tanong ko sa dalawa.


"Naglalaro po sa labas kasama ang mga kaibigan nila." ngumiti ako sa kanila saka lumabas para hanapin ang iba pa nilang kapatid. Nakita ko silang naglalaro ng chinesse garter.


"Aki! Artie! Halina kayo!" tawag ko sa kanila. Mabilis naman silang sumunod sa akin papasok sa bahay.


"Mga anak pasensya na kayo ha! Wala pa kasi akong mas magandang trabaho. Pero sa susunod, hindi na puro toyo at asin ang kakainin natin. Kakain tayo ng mas masarap na pagkain." sabi ko sa mga anak ko. Toyo at kanin na naman kasi ang ulam namin. Naaawa na ako sa kanila. 


"Okay lang po nanay. Masaya naman kami kasi kompleto tayo." napangiti ako sa sinabi ni Aki. Si Aki ay isang klase ng bata na tahimik at mahinhin. Habang si Artie naman ay medyo may pagkamasungit pero mabait pa rin naman yan. 


"Thank you mga anak ha! Hayaan niyo. Gagawa si Nanay ng paraan para guminhawa ang buhay natin." naluluha ko silang niyakap ng mahigpit. Kung wala sila, di ko alam kung kaya ko pang ipagpatuloy ang buhay ko. Napabitiw po kami sa yakapan namin ng may kumatok. Ako na ang nagbukas ng pinto.


Mga lalaking naka suit ang nakita ko sa labas. Sa suot pa lang nila alam ko na ang gusto nila sa akin. Mga tauhan sila ni Mr. Gibbs—ang lalaking nautangan ng mga magulang ko. Siguradong maniningil na naman ang mga to. Wala pa naman akong pera ngayon.

Quads #3: Right Where You BelongWhere stories live. Discover now