Chapter 4: Babawi Ako

192 6 2
                                    

I know it's been one year kaya babawi ako sa inyo. Medyo na busy ako sa studies plus my health. Tapos may iba pa akong ibang priority kaya nakalimutan ko na to. Yung mga part nito na nakalimutan ko na ay binalikan ko. Binasa ko ulit. Sana magustuhan niyo ang update ko. At sana makapag update din ako ng sunod-sunod. Enjoy reading! Thanks for waiting patiently. Mwah!


********


YANCEY


Hindi ko magawang takasan ang mga guards ni Sage. Sobrang higpit nila sa akin. I was left with no choice but to stay. Advantage na rin yun sa akin kasi makikita ko ang mga anak ko. But the disadvantage, makikita ko ang lalaking nanakit sa akin.


Nahiga ako at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako na may nakapulupot na braso sa bewang ko. Hinayaan ko na lang siya kasi alam kong hindi niya hahayaang alis ko ang braso niya sa bewang ko.


Minutes after, nagising na siya. Nakatalikod ako sa kanya but randam ko na dilat na ang mga mata niya. I didn't move. But I also didn't act like tulog pa ako. Hindi ko lang siya pinansin.


"Good Morning. How was your sleep?" he ask me in a husky voice. Pero hindi ko siya sinagot. I heard him sigh.


"Okay. Fix yourself. Aalis tayo." mabilis akong napabangon sa sinabi niya. Anong aalis? Bakit hindi niya to sinabi sa akin kagabi?


"Saan tayo pupunta?"


"Sa rest house tayo. I wanna have more time with you." he look at me while getting his towel para maligo. Wala akong magawa. Siya na lang ang maaasahan ko para mabuhay kami ng mga anak ko.


Noong naliligo siya, pumunta ako sa baba at nadatnan si Manang na nagluluto. I offer to help her kaso ayaw niya. Baka daw magalit si Sage. Hindi ko na lang kinulit si Manang at pumunta na lang sa kwarto ng mga bata. I saw them na tumatalon-talon sa malambot na kama.


"Nanay! Ang lambot ng kama. Ang sarap ng tulog ko kagabi Nanay!" masayang sabi ni Aris habang tumatalon pa sa kama.


"Ako din po Nanay! Dito na po ba tayo titira?" tanong naman ni Artie habang naglalakad siya papalapit sa akin.


"Nanay? Dito na po ba tayo? Hindi na tayo babalik doon?" mahinhing tanong ni Aki sa akin. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi.


"Hindi na anak. Dito na tayo titira." sinabi ko yun kasi yun naman ang totoo. Ayoko ipagkait ang marangyang buhay na dapat meron sila. It's my time to give back everything that they deserve in the first place.


"Nanay?" napalingon naman ako sa isa ko pang anak. Si Alex.


"Di ba po siya ang tatay namin?" hindi ako nakasagot sa tanong niya. Alam kong observant siya pero hindi ko alam na mabilis niyang mahahalata ang similarities nila. Hindi ko yun expected.


"Oo anak. Siya nga ang tatay niyo." no need to lie. Alam kong useless na yun lalo na at sobrang mapagmasid ni Alex sa paligid niya. Kaya nga mabilis niyang nalaman ang totoo.


"Bakit ngayon lang siya nagpakita sa amin?" tanong niya sa mababang boses. Alam kong gusto niya ng tatay. Nakikita ko yun kapag nakatanaw siya sa mga batang naglalaro kasama ang mga tatay nila.


"Mga anak. May mga bagay na hindi niyo muna dapat malaman kasi masyadong bata pa kayo. Sasabihin ko ang dahilan pag dating ng panahon."


"Gusto din po ba kami ni Tatay maging anak niya nanay?" nagulat ako sa tanong ni Aki sa akin. Mahigpit ko naman silang niyakap.


"Siyempre naman anak. Mahal kayo ng tatay niyo. Dadalhin niya nga tayo sa dagat para makapaglaro kayo. Di ba gusto niyo yun?" pilit kong pinapasigla ang boses ko pero nakayuko pa rin sila. I sigh heavily.


"Anak, bumabawi si Tatay. Please bigyan niyo siya ng chance. Please? Para kay nanay?" dahan-dahan naman silang tumango. Ginawa ko to para sa mga anak ko para maranasan naman nila na may tatay na gagabay sa kanila. Deserve nila yun bilang mababait na mga anak.


"Sige na. Maligo na kayo at magbihis. Aalis na tayo!" mabilis naman silang gumalaw. Sa guest room lang ng bahay ko pinaligo sila Artie, Alex at Aris para mabilis. Pagkatapos nun ay binihisan ko sila bago ako pumunta sa kwarto namin para mag-ayos.


Nadatnan ko si Sage na may kausap sa phone pero nakasuot lang siya ng white t-shirt and pants. Pumunta na ako sa banyo and do my usual chores. Pagkatapos nun ay nagbihis ako at nag-ayos. Alam ko namang nasa sala lang sila.


I was wearing a maxi dress dahil alam kong sa beach kami pupunta. Dati ko na itong gamit na siyang ikinagulat ko na nandito pa rin pala. I didn't expect that. Nabilhan na rin ni Sage ang mga bata ng mga damit kahit may dala naman kami. He insist na yung mga pinamili niya ang susuotin ng mga bata.


"Let's go." yaya ni Sage sa amin. Tahimik naman kaming nakasunod sa kanya. Nandoon na siguro sa sasakyan ang mga gamit namin kasi hindi ko nakita ang mga inayos kong damit namin na dadalhin namin sa rest house.


Tahimik ng biyahe. Ang maingay na si Aris ay sobrang tahimik. Very unsual. Halos hindi ako makahinga sa katahimikan. It was broken when Sage speak. Hininto niya muna ang sasakyan and look at us. Nasa back seat ang mga bata habang nasa passenger seat ako tabi ni Sage na siyang nagdadrive.


"I know na alam na ng mga bata ang totoo. I wanted to say sorry kasin hindi niyo ako nakasama habang lumalaki kayo. I am sorry kasi hindi niyo naranasan na magkaroon ng tatay at magkaroon ng isang buong pamilya. I promise. Babawi ako. Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa inyo. Babawi ako. Promise. Gagawin ko ang lahat mapasaya ko lang kayo." he told us that melts my anger and pain away. Sana nga. Sana nga.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Quads #3: Right Where You BelongWhere stories live. Discover now