Chapter 3

152 8 1
                                    


London, United Kingdom

Matapos masigurong nasa maleta na ang lahat ng mga gamit na kakailangan niya sa trabaho, isinara na ni Laura ang maleta at inilagay sa gilid ng pinto. May trabaho ulit siya sa Pilipinas at bukas na ng tanghali ang flight niya.

Tinungo ni Laura ang walk-in closet para mag-impake naman ng mga damit. Kung dati ay hindi niya gaanong pinagkakaabalahan pamimili ng mga damit na dadalhin, ngayon ay siniguro muna niya na babagay sa kanya ang mga iyon bago inilagay sa maleta. Hindi lang kasi trabaho ang dahilan ng pagpunta niya sa Pilipinas. Magkikita din sila ng lalaking kasalukuyang nagpapasaya sa kanya – si Lance.

Mula nang magkita sila ni Lance sa Cebu two months ago ay hindi na sila nawalan ng komunikasyon. Tatlong beses na silang muling nagkita sa New York. At sa susunod na linggo naman ay sa Pilipinas.

Gusto niya na palagi siyang maging maganda paningin ni Lance. Ayaw din niya na maging alangan siya sa binata at mapintasan ng mga tao kapag nakita silang magkasama. Celebrity pa naman si Lance. Baka rin kasi maisipan ni Lance na ipakilala siya sa pamilya nito at mga kaibigan.

Napailing si Laura sa huling naisip. Hindi siya dapat nag-iisip ng ganoon. Kinikilala pa lamang nila ng binata ang isa't –isa at wala pa silang pormal na relasyon.

Nang sa wakas ay matapos si Laura sa pag-iimpake, lumabas siya ng kuwarto at nagtungo sa kuwarto ni Tamara. Gusto niyang makipagkuwentuhan sa kaibigan dahil matagal-tagal din siyang mawawala. Plano na rin niyang sabihin ang tungkol kay Lance. Sinadya niyang hindi sabihin kay Tamara ang pakikipagmabutihan niya sa binata dahil alam niyang magagalit ito. Gayunpaman, tiwala siya na mauunawaan at susuportahan din siya ni Tamara.

Nag-warning knock si Laura bago pumasok nakabukas na kuwarto ni Tamara. She was living with Tamara for years. Nagkakilala sila nang bisitahin niya ang Uncle Marcio niya sa Vienna, Austria na isang music teacher. Kilala ang Vienna sa pagkakaroon ng mga street performers. Dahil marunong siyang tumugtog ng piano at violin, napagtripan niyang tumugtog para maglibang. Nang minsang muli siyang tumugtog, isa si Tamara sa mga nanood at unang pumapakpak sa kanya matapos niyang sunod-sunod tugtugin ang masterpiece ni Franz Liszt. Tinanong niya ito kung gusto nitong tumutugtog kasama siya nang makita ang dala nitong violin. Pinaunlakan naman siya ni Tamara.

She was surprised Tamara was good. Mas magaling pa sa kanya. Dahil parehong Filipino, kaagad na nagkasundo sila, nagkapalagayan ng loob at naging magkaibigan. Sa tulong ni Uncle Marcio ay nakapasok sila ni Tamara sa pinagtuturuan nitong music convervatory at napasama sa mga recitals. Nakapag–perform sila sa tanyag na Vienna State Opera. Pero si Tamara lang nagpatuloy mag-aral ng classical music dahil na-realized niya na hindi ang pagtugtog ang gusto niyang gawin sa buong buhay niya. Alam din niya na hindi siya kasing talented ni Tamara sa pagtugtog. Sumama ang loob sa kanya ng kaibigan pero hindi nagtagal naunawaan din siya nito. Nag-enroll siya sa Photography at magkasama silang tumira sa isang apartment.

Years passed, kasabay ng sunod–sunod na pagkapanalo ni Laura sa mga photography contest, unti–unti namang nakilala si Tamara bilang pianista.Napabilang ang sarili nitong masterpiece sa isang album kasama ng ilang tanyag na classical musician sa Vienna. Lumahok din ito sa iba't–ibang patimpalak sa Europe at nagwagi. Hindi naglaon ay nagkaroon si Tamara ng sarili nitong album na naging daan para unti–unti itong sumikat hindi lamang sa Europe kundi sa buong mundo. Nang mag-settle down si Tamara sa London ay sumama rin rito. Nagtrabaho muna siya ng ilang taon sa iba't -ibang Advertising at Publishing Company sa London at sumali sa iba't-ibang photography contest sa Europe at Amerika bago nag-freelance.

Nakikitira siya sa bahay ni Tamara kahit kayang-kaya naman niyang bumili ng sariling property dahil nangako sila sa isa't-isa na hindi sila maghihiwalay ng tirahan maliban na lamang kung magkakaroon na sila ng sariling nilang mga pamilya.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon