Chapter 26

91 6 0
                                    

Three months later....

NAGHAHANDA na sa pagtulog si Laura nang tawagan siya ni Tamara sa cell phone. Matapos ang mga commitments ni Tamara sa Europe ay nag settle down na nga ang kaibigan niya sa Pilipinas. Pansamantalang nagpahinga muna ito sa pagtugtog.

"Hello, Tam?" sabi ni Laura. Humikab siya pagkatapos.

"Ang aga pa inaatok ka na?"

"Sorry. Maghapon kasi akong nagtrabaho today." Nakapag-settle down na rin si Laura sa Pilipinas. At noong nakaang linggo lang ay binuksan na sa publiko ang studio at gallery niya. Napabilis ang pagse-settle down niya sa Pilipinas dahil sa walang tigil na pangungulit sa kanya ni Tamara na tuparin niya ang kasunduan nila.

Tatanggap pa rin siya ng trabaho abroad pero mas priority na niya ang mga magiging trabaho sa Pilipinas.

Wala namang naging problema si Laura sa pagse-settle down sa Pilipinas. Tinupad nina Kate at Francine ang ipinangako nitong tulong sa kanya. Lubos namang sinuportahan ng pamilya niya ang naging desisyon niya. Ang gusto pa nga ng mga ito ay hindi na siya tumanggap ng trabaho sa ibang bansa at manatili na lamang sa Pilipinas. At kung maaari rin ay mag-asawa na siya sabi pa ng kanyang mommy na tinawanan lang ni Laura.

"Ang daya mo. Wala ka ng time sa akin. Puro ka na lang trabaho at mas gusto mo ng kasama lagi si Kate."

Natawa si Laura. Nawala bigla ang antok niya. "Ang corny mo. 'Miss you, Tam."

"'Miss you, too. May shoot ka ba? Punta ka dito sa bahay. Tumugtog tayo."

"I can't. Tambak ang for editing ko. Iidlip lang ako tonight then may pagpupuyatan akong trabaho."

Frustrated na napabuntong-hininga si Tamara. "How about dinner?"

"Hindi rin puwede. May date kami ni Ram."

"So, mas importante na si Ram kaysa sa akin. Ganoon ba?"

Muling natawa si Laura. "I have to see him, Tam. Ang tagal na naming hindi lumalabas."

Isang professional basketball player si Ram. Nakilala niya ang lalaki sa kasal kung saan din naging replacement photographer siya kasal na in-organisa ni Kate. Nasundan pa ang pagkikita nila sa isang kasalan din. Kasal iyon ng malalapit na mga kaibigan nito at siya ang naging photographer. Magmula noon ay hindi na siya tinantanan nito.

Ram was one of those basketball heartthrobs and asset of his team. Pumayag siyang makipag-date dito dahil curious siya sa pagkatao nito. At natuklasan niya na mabait at gentleman naman pala ito. Pormal na nanligaw ito sa kanya. Hindi nagtagal ay nagkaroon sila ng mutual understanding. Nang ikuwento niya kay Tamara ang tungkol kay Ram ay kaagad nitong inayawan ang binata para sa kanya. Nakaaway pala ni Ethan at mga kaibigan nito si Ram sa charity game na in-organisa ng barkadahan nina Ethan. At nanatiling kaaway ang tingin nina Ethan kay Ram. Bukod doon ay diborsiyado si Ram. Nagkaroon ito ng asawa na isang doktor three years ago.

Gayunman, kahit na tumutol si Tamara kay Ram. Nirespeto ni Tamara ang desisyon niyang makipagmabutihan pa rin kay Ram. At sinabi rin nito na hindi na nito uulitin ang ginawa nitong pagtututol sa lalaking nagugustuhan niya kagaya ng ginawa nito kay Lance noon.

"Okay. By the way, magiging magkatrabaho pala kayo ni Lance," pag-iiba ni Tamara ng topic.

Nanlaki ang mga mata ni Laura sa narinig. Napadiretso siya ng upo sa kama. "Si Lance. As in Lance Jason Ocampo?"

"Yes. May shoot ka for Triple Play next week, 'di ba? Si Lance ang magiging modelo mo."

"Bakit siya?"

Tulad ng dati ay gusto ni Ethan na si Laura ang kumuha ng pictures para sa promotion ng Triple Play, isang kilalang sports apparel and merchandise store sa bansa na pag-aari nito kasosyo sina Gabe at BJ.

"Why not him? Dati pa namang endorser ng Triple Play si Lance. Climbing shoes kasi ang ila-launch ng Triple Play. Tamang-tama naman dahil nahihilig si Lance sa wall climbing lately."

"O-okay," natitigilang sabi niya.

"May problema ba kay Lance?"

"W-wala naman," mabilis na deny niya. "Nagulat lang ako. And as far as I know, retired na si Lance sa pagmomodelo, 'di ba?"

"Yes, but he still an endorser and influencer. Millions ang followers and subscribers niya sa mga social media account n'ya kaya deserve niya na i-hire ni Ethan hindi lang dahil magkaibigan sila.

"Right."

"Uhm. Are you sure you can work with him? Puwede ko namang sabihin sa asawa ko na you're so busy at hindi mo na talaga kayang tumanggap pa ng ibang project kung hindi ka komportableng makasama siya. For sure Ethan will understand."

"Tam, it's okay. Of course, I can work again with Lance. We're friends."

"Good. So, kailan tayo magkikita?"

"After na lang ng meeting ko sa staff ng Triple Play sa isang araw. Let's meet for lunch?"

"Okay. Magpahinga ka na. Kung hindi naman kailangan na magpuyat ka. Huwag ka ng magpuyat at pagurin nang husto ang sarili mo. Good night."

"Good night."

Matapos ang tawag ay itinabi na ni Laura ang cell phone at pumikit. Pero mayamaya lang ay muli siyang dumilat. Hindi niya magawang matulog. Lance was on her mind.

Maraming beses nang nasundan ang pagkikita nila ng binata magmula noong gabing magkape sila. Pero hindi sila gaanong nakakapag-usap nito at "Hi" at "Hello" lang ang lagi nilang nasasabi nila sa isa't-isa. Hindi tuloy niya maiwasang ma-frustrate kahit na ang gusto niya ay iwasan ito.

Ngayong nakatakda silang magkatrabaho, magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya. Nae-excite siya dahil alam niya kung gaano kasarap kasama si Lance. She was also feel secure when she was with him. Pero nag-aalala siya na mapukaw na naman ni Lance ang damdamin niya. She was okay with Ram at ayaw niyang magulo ang tahimik niyang buhay.

Ang totoo ay masama ang loob niya kay Lance. Nagpadala siya ng invitation sa opening at blessing ng studio at gallery niya rito pero hindi ito dumating. Nangako pa naman ito na pupunta. Nalaman na lamang niya na nasa Italy ito para bisitahin ang girlfriend nito. Marahil ay nagkaayos na ang mga ito.

Bumuntong-hininga si Laura. Tuluyan nang nawala ang antok niya. Sa huli ay nagdesisyon siyang bumangon at magtrabaho na lang para mawala sa isip niya si Lance. 

----------------------------------

Thank you po sa patuloy na pagbabasa. Sa mga gusto pong mabasa ang complete story nina Lance at Laura, please follow me on Good Novel. Just please download the app and search for Still You or Rieann. Paki-watch na lang din po ng short ads kung naka-locked na po ang mga chapters. Thank you! 

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon