Chapter 6

100 8 6
                                    


ALAS-SIYETE ng umaga nang magising si Laura na nag-iisa na lang sa kama. Ilang sandaling nag-inat siya bago masiglang bumangon. Hinanap niya si Lance pero hindi niya ito natagpuan sa loob ng silid. Matapos gumamit ng banyo at makapagbihis, nagtungo siya sa terrace. Doon niya nasilip si Lance na nasa garden at abala sa pagtulong kay 'Tay Nato na nag-aayos ng garden.

Bahagya lang nagulat si Laura sa nakita. Sa tagal niyang nakasubaybay kay Lance sa social media account nito, bukod sa pagiging charming, alam niya magaling talaga itong makisama sa lahat ng uri ng tao.

Umalis na sa terrace si Laura para puntahan si Lance. Kumuha muna siya ng towel bago lumabas ng silid.

"Good morning, 'Nay," nakangiting bati ni Laura kay 'Nay Iska na nadatnan niyang nagpupunas ng mga muwebles sa living room.

"Good morning, Laura. Abay nakakahanga pala si Lance. Kaguwapong lalaki at halatang mayaman pero magaling sa mga halaman. Bilib na bilib din sa kanya si 'Tay Nato mo."

"May flower farm po kasi sila, 'Nay. Sa family ni Lance 'yung kilalang flower shop na Perfect Petals. Bata pa lang daw si Lance, nakahiligan na niya ang gardening dahil sa mommy niya."

"Gano'n ba? Kaya pala."

"Kumain na ho ba si Lance?" tanong ni Laura.

"Hindi pa. Nagkape lang siya kanina. Hihintayin ka raw niyang magising para sabay na kayo. Sandali nga at maghahain na ako. Tawagin mo na si Lance nang makakain na kayo." Itinigil ni 'Nay Isaka ang ginagawa at mabilis na nagtungo sa kusina.

Tumalima naman si Laura. Lumabas siya ng bahay at nagtungo sa garden.

Subalit natigilan si Laura nang matitigan si Lance sa malapitan. Kasalukuyang hubad-baro itong nagbubuhat ng malaking paso at tumatagaktak sa pawis ang katawan.

She slept with him several times. Pero pakiramdam niya ay nanaginip lamang siya na kasama na niya ang lalaking pinagpapantasyahan noon pa man at anumang oras ay magigising siya.

"Hey!" nakangiting bati ni Lance nang makita si Laura.

Iniayos muna ni Lance ang hawak na paso sa paglilipatang lalagyan bago dinampot ang tatlong tangkay ng yellow rose sa isang tabi at nilapitan si Laura.

"Good morning. Flowers for you my beautiful lady," nakangiting sabi nito at iniabot sa kanya ang hawak na bulaklak.

"Thank you."

Mabilis na hinagkan siya nito sa mga labi.

"Kanina ka pa gising? Nakatulog ka naman ba nang mahimbing?" tanong ni Laura habang pinupunan ng dalang towel ang pawis sa mukha at katawan ni Lance.

"Before 6 AM pa. Yup, well rested. Kayakap at katabi kasi kita," sabi nito at muling hinagkan sa mga labi ni Laura.

"You must be hungry. Kumain na tayo."

"Okay." Dinampot ni Lance ang hinubad na T-shirt at isinuot. Binalingan nito si 'Tay Nato na abala sa paglilipat ng halaman sa isang paso. "'Tay, kakain lang muna kami ni Laura. Tara ho, kumain na rin muna kayo."

Tumingin si 'Tay Nato kay Lance. "Kayo na lang ni Laura, Lance. Tapos na kami kanina pa ni Iska," tugon ni 'Tay Nato.

"Sige ho." Inakbayan ni Lance si Laura at inakay patungo sa main door.

"Maayos pa ang garden mo pero baka may gusto kang ipabago? I-renovate natin."

Naging interesado si Laura sa narinig. "Really?"

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon