Chapter 30

97 4 0
                                    

Madilim pa nang gumising si Laura nang sumunod na araw para maglinis. Matapos kumain ng almusal ay sumabak na siya sa paglilinis.

Makalipas ang ilang oras, habang nagpupunas siya ng mga muwebles ay biglang tumunog ang buzzer sa gate. Without minding her looks, tinungo niya ang inner gate at binuksan. Inaasahan na niya na ang maid ni Tamara na magdadala sa kanya ng pagkain o ang ipinadala nitong hardinero ang darating. Pero nagulat siya nang si Lance ang dumating imbes na ang inaasahan niyang mga tao.

"Lance!" gulat na bulalas niya.

"Hi, Laura." Itinaas nito ang isang paper bag at iniabot sa kanya. "Padala ni Tam."

Tinanggap niya ang paper bag. "Thank you sa pagdadala. Pasok ka."

Nilakihan niya ang bukas ng gate at pumasok ang binata.

"And these are for you." Itinaas ni Lance ang kaliwang kamay na may bitbit na mga boxes mula sa Frances'.

"My favorites," aniya nang makilala ang box ng ensaymada at puto cake." Thank you."

Si Lance na ang nag-lock ng gate.

"Ikaw pa talaga inutusan ni Tam na magdala. Hindi ka ba kakailanganin ni Francine? 'Di ba ngayon n'ya aayusin 'yung room ng magiging baby nina Tam at Ethan?" tanong ni Laura habang naglalakad sila patungo sa main door.

"Actually, dumaan lang ako sandali kina Tam para makiusyoso. Hindi naman talaga ako kailangan doon. Pero dito talaga ang sadya ko. Nang malaman ni Tam na pupuntahan kita, pinadala na niya 'yan."

"I see."

"Wala yata si 'Tay Nato at 'Nay Iska?"

"Nagbabakasyon sa province nila sa Batangas. Naalala mo pa pala sila," amused niyang sabi.

"Oo naman."

Narating nila ang kusina. Ipinatong nila ang mga pagkain sa kitchen table at inilabas ang mga laman niyon.

"Wow!" nakangiting sabi ni Laura nang makakita ng pork barbeque, pansit canton, buttered shrimp, at lechon manok. "Hindi ko kayang ubusin lahat 'to. Share tayo."

"Sure."

Tinungo ni Laura ang refrigerator. Pero bigla siyang na-conscious at muntik ng mapasigaw nang mapatingin sa decorated mirror. Magulong-magulo ang buhok niya na naka-high bun at nangingintab na rin ang mukha niya. Mabilis na naglabas siya ng isang pitsel ng malamig na orange juice at ipinatong sa ibabaw ng lamesa.

"Inom ka muna. Mag-aayos lang ako." Tumalikod siya pero maagap siyang pinigilan ni Lance sa braso. Napaharap siya rito.

"You don't have to. Maganda ka pa rin naman,"

"Shut up. Ang baho ko na kaya."

"Not true," nakangiting sabi ni Lance.

Hindi niya ito pinansin at nagmamadali nang nagtungo sa kanyang kwarto.

Mabilis na naghilamos si Laura at nagbihis. Nagsuot siya ng baby tee at walking shorts. Pinigilan niya ang sariling mag-ayos nang husto dahil nasa bahay lang naman siya at baka kung ano pang isipin ni Lance kapag ginawa niya iyon.

Pagbalik ni Laura sa kusina ay biglang tumunog ang extension phone na nakapatong sa kitchen counter. Kaagad niyang sinagot ang tawag. Si Tamara ang caller. Ibinalita nito na may sakit ang hardinerong sinasabi nito kaya hindi makakapunta sa kanyang bahay.

"Ganoon ba?" dismayado niyang sabi. "Hayaan mo na. Ako na lang siguro ang magti-trim. Thank you, Tam. At sa food na rin."

"You're welcome. See you later ok?" "

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon