0

23 1 0
                                    

Ps. Kindly read Corrupted by Pain by hiraethtl first for more contexts about this story. Thank you.

---

"Mom, where are we going?" Reign asked her mother as she tilted her head into her direction. Nasa backseat siya ng kotse at walang muwang na nakatingin sa ina. Hindi ito umimik pero maya-maya'y nagsalita rin.

"Ruella Reign," matamang pagbanggit nito sa pangalan ng bata, saka nilingon ang anak. "Do you know why I named you that and why is your nickname, Rue?" tanong niya sa musmos na bata. Anim na taong gulang pa lamang ito kaya naman kuryos pa sa maraming bagay. Lagi rin niyang gustong nakikita ang ina kahit na halata namang wala itong pakialam sa kaniya.

Takot na nakayuko ang yaya ni Reign at alertong nakatingin sa alaga ngunit nakikinig ang tainga nito sa mga sasabihin ng amo sa alaga niya. Hindi niya rin alam kung saan sila pupunta ngunit nakukutuban niyang hindi maganda ang patutunguhan ng pag alis nilang iyon.

Sa halos apat na taon niya nang pagt-trabaho sa mga Herrera ay hindi pa niya nakitang nagkaroon ito ng pakialam sa nag-iisa nilang anak. Puro trabaho at sarili lamang kasi ang naiisip ng mga ito. Magkahalo namang awa at pagmamahal ang nararamdaman ng katulong para sa alaga, nangako na siya sa sarili na siya ang mag aalaga sa batang ito maliban na lang kung sapilitan siyang sesantehin. Doon ay alam niyang wala siyang laban at wala siyang magagawa.

Pinigilan niya ang bata dahil akmang tatanggalin nito ang pagkakaseatbelt sa kinauupuan nitong carseat dahil sa kagustuhang lumapit at sumiksik para lamang makinig sa ina.

"Why po, Mommy? Is Cruella your favorite disney character? Yaya and I watched her movie with so many polkadot dogs!" Halos lamunin ng hiya si Yaya Riza sa sinasabi ng alaga niya, marahil naisip nito iyon dahil magkatunog ang pangalan niya at ang pangalan ng karakter.

Napaismid si Mari, ang ina ng bata. Napakadaldal talaga nito at kahit na walang katuturan ay sinasabi. Napailing na lamang siya dahil sa naisip niya, bata pa ngang talaga.

"No." Matigas ang pagkakasabi niya bago harapin si Reign, saka matamis na ngumiti, "It's because I regret having you as my child and your name means regret. Perfect name, isn't it?" Natahimik ang bata at dahan-dahang napangiti, hindi pa siguro naintindihan ng lubos ang sinabi ng ina.

Halos mapanganga naman ang katulong sa tinuran ng amo niya, paano ba nito naaatim na sabihin ang mga salitang ito sa anim na taong gulang na anak niya? Wala ba itong konsensiya? Gusto niyang takpan ang tainga ng alaga nang marinig niyang humagikhik ito ng tawa bago nagsalita.

"It's okay, Mommy. I don't regret having you as my Mom because I love you. We can work on that!" Matamis na ngumiti ang bata sa ina ngunit nakangiti ring umiling-iling si Mari.

"It's so sad to know that, Rue. I don't love you because you and your father ruined me." Matamis na anito na tila ba magagandang salita ang lumalabas sa bibig niya.

Nanubig ang mata ng katulong at hindi makapaniwalang nilingon ang amo, magsasalita na sana siya ngunit nauna nang nagsalita ang driver na kasama nila.

"Ma'am, nandito na po tayo." Alanganin ang pagkakabigkas nito, marahil naguguluhan din kung bakit ganoon ang trato nito sa sariling anak.

"Great!" Lumabas ang driver at kinuha nito ang tatlong naglalakihang maleta na nasa compartment pala ng kotse, noon lang napansin ni Yaya Riza na nasa paliparan pala sila.

Pinagbuksan ng driver si Mari, mukhang excited naman itong nilingon ang anak. Kinabog ng malakas ang dibdib ng katulong.

Aalis ba silang mag-ina? Magiging maayos ba si Reign sa mga kamay nito? Ayan ang iilan sa mga tanong na gumulo sa isip niya, ayaw niya sanang mangyari ito ngunit sino ba naman siya para pigilan ang nanay ng bata? E, isa lang naman siyang hamak na katulong ng pamilya nila.

Chasing in the RainWhere stories live. Discover now