3

11 0 0
                                    

Weeks have passed and after we reported our group activity, nasundan pa ulit iyon ng napakarami. Hindi na kami halos magkanda-ugaga sa mga gagawin namin, pati ang mga plano ko ngang dapat gawin ay hindi ko na nagawa kagaya na lang ng puntahan si Colleen. Alalang-alala na ako sa kaniya dahil hindi na siya ulit sumasagot sa mga tawag o chats ko. Hindi ko rin alam kung pumasok na ba siya o hindi dahil kung hindi, late na siya para sa first sem.

Hindi ko rin naman matyempuhan si Kenji at lalong hindi ko na magawang isa-isahin pa ang rooms sa Biology Dept para hanapin siya. Wala na akong oras sa mga ganoon dahil tambak nga ang mga gawain namin. Kapag nakahanap lang talaga ako ng oras ay ang puntahan si Colleen ang una kong gagawin.

"Ma'am Reign," malawak ang ngiti ni Yaya Riza nang maabutan ko siya sa gate ng bahay namin, kakauwi ko lang galing school at wala pa ako halos tulog.

May projects kasi akong tinatapos sa isang core subject namin. Naiinis na nga ako at mas feeling major sub pa madalas ang mga core subjects.

Tila nawala naman ang pagod ko nang makita ko siya, patakbo akong lumapit sa kaniya at yumakap. Malugod naman siyang yumakap sa akin pabalik at hinaplos pa ang likuran ko.

Bigla ko na lang naramdaman na mahina niyang tinapik ang braso ko kaya napahiwalay ako sa kaniya saka napanguso. Magsasalita na sana ako nang maunahan niya ako.

"Hindi mo na inaalagaan ang sarili mo, Ma'am Reign." Lalo akong napanguso sa sinabi niya.

"Yaya, Reign na nga lang po. Ilang taon ko na pong pinapaalala sa inyo ‘yan." Napailing pa ako sa kaniya at umaktong kunwari ay disappointed. Napangiti naman siya at sunod-sunod na umiling.

"Amo kita, Ma'am Reign." Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Palagi kasing iyon ang sagot niya sa tuwing sasabihin kong Reign na lang ang itawag sa akin.

"Bakit parang nangangayayat ka? Gabi-gabi naman kitang hinahatiran ng pagkain sa kuwarto mo." Hinawi niya ang buhok ko at pinagkatitigan ang mukha ko kaya natitigan ko rin tuloy ang mukha niya.

She's just in her early 30s, kaka-33 pa lang niya no'ng nakaraan. Iilang taon lang kasi ang tanda niya sa akin, bata pa siya noong unang beses na nangamuhan sa mga magulang ko at tanging tatlong taon pa lang ako noon.

"Nakakapagod ba sa school?" Napangiwi ako sa tanong niya.

Mas nakakapagod sa bahay na 'to.

Pumikit ako at mahinang tumango. Napahinga naman siya ng malalim at naramdaman kong lumapit siya. Hinagod naman niya ang likod ko na parang sinasabing ayos lang ang lahat.

"Nakakapagod pero hindi mo kailangang magbago, Reign." Doon ako napamulat at naguguluhan siyang tiningnan. Napanguso muli ako at natawa ng mahina sa kaniya.

"Hindi naman po ako nagbago, Yaya, ano pong sinasabi niyo?" Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko, pagdududa ang nakapinta sa mukha niya at halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Akala mo ba hindi ko napapansin? Nag-iba ka, Ma'am Reign. ‘Yong Ma'am Reign kasi na alaga ko ay palaging nakangiti at hindi halos iniinda ang mga nangyayari sa kaniya."

"Nakakapagod lang po talaga sa school, Ya. Hindi po ako nagbago, ako pa rin po ito." and that's definitely a lie because I can also see and feel it.

Dati ay hindi ko magawang indahin at intindihin ang mga nangyayari, kahit gaano pa kahirap ‘yon. Pero ngayon? hindi ko alam kung bakit halos wala na akong energy sa lahat. Ang gusto ko na lang ay mag-aral nang mag aral.

I was always happy when I was with my best friends, Colleen and Jeffrey, maybe because those two are like my parents-figure. They took care of me in every way, kaya naman komportable talaga ako sa kanila. Pero ngayong hindi ko na sila kasama ay parang wala na akong energy para makipagkulitan pa. Hindi na ako kagaya noong sinasabi ni Joy, na maingay at hindi mapigil ang bibig. Joy and Rose are really fun to be with pero iba pa rin ‘yong dalawa.

Chasing in the RainWhere stories live. Discover now