2

9 0 0
                                    

Kayden and I talked for almost an hour before I ended the call that night. I also slept well after that talk, parang nakalimutan ko ang mga bagay na bumabagabag sa akin ng gabing ‘yon.

Maaga akong nagising dahil alas otso ang pasok ko ngayon. Nitong mga nakaraang araw na wala akong pasok ay abot langit ang pasasalamat ko kay Lord dahil hindi ko naabutan sila Tita Giselle dito sa bahay, palagi silang umaalis na buong pamilya, na-miss siguro ang Pilipinas. Nang mabuntis kasi siya ulit makalipas ang pitong taon matapos nilang magpakasal ni Dad ay sa UK sila tumirang mag ina, gusto raw kasing makasama ng mga magulang ni Tita Giselle ang kahit na isa sa mga apo nito.

Si Dad at Celeste ang bumibisita roon sa kanila taon-taon at never naman akong nakasama sa kanila, hindi ko rin naman gugustuhing sumama pa kung aayain nila ako.

Iniwan ni Tita Giselle si Celeste dahil matagal itong hindi nakasama ng ama at gusto rin ni Dad na siya mismo ang magtrain dito habang bata pa, dahil siya raw ang magmamana ng Herrera's Engine.

That's his business, He's the CEO of Herrera's Engine, the largest selling company of cars in the world, marami siyang branch sa Pilipinas at sa iba't-ibang panig ng mundo. Isa na rin 'yon sa rason kung bakit doon naglagi si Tita Giselle sa UK, dahil bukod sa mga magulang niya ay siya na rin ang nagpresintang mag-aasikaso ng kompanyang naroon. Isa kasi sa pinakamalaking branch ng kompanya ni Dad ang nandoon.

Herrera's Engine sells different kinds of cars. From a simple sedan to a grandiose sport cars. Nakikipagsabayan sa mga sikat at kilalang sasakyan ang H.E, my grandfather's father started this business. Noong una ay mahilig lang itong mangolekta ng iba't-ibang uri ng sasakyan hanggang sa maisipan na nitong magtayo ng sariling business, hindi naman naging mahirap iyon para sa kaniya dahil higit pa ang pera niya sa pagpapatayo ng maayos na negosyo.

The Herrera Clan doesn't experience being poor, simula pa sa ninuno ng mga ninuno ay may sinabi na talaga ang pamilyang pinagmulan ko. This is the reason why the Herreras are so famous, kilala ang mga ito hindi lamang dahil sa mga binibenta at sinu-supply na kotse sa iba't-ibang bansa, kilala ang mga ito dahil sikat ito sa iba't-ibang mga larangan.

Sa mga nakakatanda nga rin talaga nagmula ang ginagawa nilang arrange marriage at lahat ‘yon ay nagiging successful. Successful nilang naipagsasama ang business ng bawat pamilyang ipinapakasal nila sa anak nila, tanging si Dad lang talaga ang pumalya at mas ginustong hiwalayan ang babaeng pinilit sa kaniya ng mga magulang niya.

Sa tingin ko naman ay mas maayos ‘yon kaysa sa nagsama at ipinilit nila sa sarili ang isa't-isa. Mas mabuti pang nakamit at nakuha nila ang kaligayahan na gusto nila kahit na ako ang nagdurusa, nag-iisa lang naman kasi ako. Paniguradong kung itinuloy nila ni Mommy ang relasyon at pinabayaan ni Daddy si Tita Giselle at si Celeste ay pareho iyong masasaktan.

Gano'n na rin si Mommy, matapos kasi nang ilang taon simula nang iniwan niya ako ay pinilit ko siyang hanapin, doon ko nakita ang mga interviews niya sa social media. Matagal niya na palang plano na sa ibang bansa ipagpatuloy ang designer brand na pagmamay-ari niya, nahinto lang ‘yon ng ipilit ng tatay niya ang pagpapakasal kay Dad. Kaya nang mapanood ko ang nga videos na ‘yon, pinilit ko na lang na kalimutan ang galit sa kaniya.

It's their dreams and who am I to stop them?

I felt unwelcome again and again, hindi ko itatanggi ang bagay na ‘yon, hindi ko na balak indahin pa dahil kinaya ko namang mabuhay ng ganito sa loob ng labing siyam na taon. And just like what I have said, I am just a product of their untimely marriage kaya sino ako para hadlangan ang mga gusto nila? Kailangan lang kasi nila ng mailalabas sa media at masasabi sa mga magulang na sinubukan at ginawa nila ang best nila para magkaanak. Natupad naman nila, kaya ngayon, nasasaktan ako pero hindi na bale, ang mahalaga ay masaya sila.

Chasing in the RainWhere stories live. Discover now