1

12 1 0
                                    

"Kaya niyo bang gawin 'yong mga pinapa-drawing ni Miss Annika sa atin? Grabe, first week pa lang natin, hell week na agad! Akalain mong limang drawings agad ang assignment natin ngayong araw?!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Joy sa aming dalawa ni Rose Anne nang makalabas kami ng classroom.

Natapos na ang huling klase namin kaya naman puwede na kaming umuwi, pero dahil mala-explorer ang dalawang 'to ay balak pa raw nila ulit mang-hunting ng mga guwapo. Bilang mabait at loyal sa poging matagal ko ng kilala ay wala na akong balak sumama sa kanila. Hindi rin naman ako puwedeng mag-pagabi ng uwi dahil baka mapagalitan lang ako.

"Oo, 'no, madali lang ang mga 'yon." Nagbalik sa kanila ang atensiyon ko matapos sumagot ni Rose Anne kay Joy, napairap naman ang babae sa naging sagot sa kaniya.

"Para sa'yo oo, e, paano para sa aking walang talent sa pagda-drawing? Katapusan ko na ba? Bakit nga ba kasi ako nag nursing, e!" Reklamo pa niya, napaismid na lang ako dahil kagaya niya, walang talento ang kamay ko para sa bagay na 'yon.

"Tahimik ka yata, Reign? Noong Senior Highschool, kahit hindi tayo magkapareho ng strand, naririnig ko ang boses mo. Kahit nasa second floor ang room niyo, nakakaabot ng kabilang building." Napatingin ako kay Joy nang mapansin niya ang pananahimik ko, napatawa naman ako ng mahina sa kaniya.

"Gago, people change." Humagalpak ako ng tawa. "Alam ko rin noon, napakatahimik nitong si Rose Anne, e. Akala ko nga hindi makabasag pinggan pero grind pala kung makahanap ng pogi."

Hindi niya ako makapaniwalang tiningnan, nagulat pa yata dahil alam kong tatahi-tahimik siya noon. Hindi raw niya kasi ako nakikita dahil nasa fifth floor siya ng STEM building. Ako naman ay nakikita ko siya tuwing uwian, may ilang beses kasi kaming nagkasabay sa waiting area sa parking ng school dahil sa paghihintay ng mga drivers namin.

"Mahinhin talaga ako no'n dahil feeling ko hindi appropriate kapag nagkaboyfriend ka habang highschool ka." Panimula niya bago ngumisi ng pagkakalaki-laki. Natahimik naman si Joy na napatingin sa malayo, mag iisang taon na kasi sila ng boyfriend niyang ilang beses na yata siyang niloko.

"E, ngayong College. Talagang ilalabas ko na ang totoo kong kulay at isusulong ang paghahanap ng pogi, inggit na inggit kaya ako noon sa mga malalanding nakikita ko sa paligid!" Napairap pa siya bago tumawa ng malakas na parang naaaning na.

"Ikaw, Reign?" Tumaas-taas pa ang kilay niya sa pagtatanong.

"Anong ako? Basta makita ko ang crush ko, kinikilig ako." Biro ko at nahampas ko pa tuloy ang braso niya. Inirapan naman niya ako at hinimas ang braso niyang nahampas ko.

"The Who?" Nagtataka niyang tanong sa akin at sabay pang inilapit pa ang mukha. Hinawi ko naman siya ng bahagya.

"Huwag mo namang ilapit ng ganiyan ang mukha mo, ayaw kitang maging first kiss!" Natatawa niyang inilayo ang mukha ngunit puno pa rin ng kuryosidad ang nakita ko rito.

Kung may taong bibigyan ng award bilang walang alam at late sa balita, siya na siguro iyon. Gano'n ba talaga kapag nasa huling palapag ang classroom noon? Nawawalan na ng alam sa mga kaganapan sa mundo?

"Gago mo, Rose! Si Kayden lang naman ang laging kinukulit niyan noon, hindi mo alam? Don't tell me hindi mo kilala si Kayden?!" Pati ilong ni Joy ay nanlaki habang tinatanong si Rose Anne na mukhang clueless pa rin bago unti-unting nanlaki ang mata niya.

"Kayden Benedict?! As in Kayden Benedict Traviseo?!"  Gulat na gulat na sigaw niya, napangiwi na lang ako at medyo nailang pa sa ibang mga bumababa ng hagdan.

"Manahimik ka na!"

"Kuha mo, tanga!"

Nagkasabay pa kami sa pagsagot ni Joy sa kaniya. Mayamaya ay tumikhim si Joy at nakikiusyosong sumiksik sa akin.

Chasing in the RainWhere stories live. Discover now