Chapter 21

27.5K 861 205
                                        

Chapter 21

"Bitiwan mo ako." She gritted her teeth in anger.

"Xiana." He exhaled frustratedly. "I'm just looking after you and our child."

Inis niyang tinabig ang kamay ng binatang hawak siya sa braso. Masama ang tingin niya rito ngunit parang wala lamang ito kay Lucas. It's as if he's already used to this kind of behavior from hers. Sa isiping iyon, nakakaramdam siya ng inis.

"Ano ba?! Hindi naman ako clumsy, Lucas. Hindi ako tanga. Kaya pwede ba? Stop touching or telling me what to do!" she roared.

Matapos niyang ma-discharge sa ospital ay dumiretso siya sa mansion ng mga Castro— sa bahay ng kanyang mga magulang. Her father— Santino Castro was shock to know she's pregnant. Ngunit parang natuwa pa ito nang malamang si Lucas ang magiging ama. Her father even welcomed Lucas to the family kahit hindi naman sila magkasintahan.

And speaking of the devil, Lucas brought his things here and now he's living with her. And take note: inside her room! At ayos na ayos lamang sa kanyang pamilya ito.

"Stop being so stubborn, Xiana." Humugot ng malalim na hininga si Lucas. "Come on, let's go to bed. Bawal sa buntis ang mapuyat."

"Kaya ko ang sarili ko, okay?" Inirapan niga ang binata. "At pwede ba, h'wag kang tatabi sa 'kin? Naiirita ako sa 'yo."

Kaagad niyang tinalikuran ang binata at nagdadabog na naglakad patungong silid. Pumasok siya sa silid at kaagad ni-lock ang pinto. Ayaw niyang makatabi ang binata o marinig ang tinig nito. Hindi niya alam kung bakit ngunit naiirita siya.

Umupo siya sa kama at bumuntong hininga. Her eyes landed on the window she forgot to close this afternoon. Muli siyang tumayo at nilapitan ito upang sana ay isara nang masilayan niya ang langit na napupuno ng nagkikinangang mga bituin. She sighed, and instead of closing the window, she rested her elbow on the frame, placed her chin on her palm, and stared at the sky.

Maraming bituing nagkikislapan sa langit. Malalim na ang gabi ngunit hindi siya makatulog. Kahit hindi niya sabihin ay nag-aalala rin siya sa batang na sa kanyang sinapupunan. There's a part of her that seems to be scared of her pregnancy. May parte rin sa kanya na masaya. Masaya sa mga nangyayari. She feels so hypocrite for pushing Lucas away even knowing she's happy that he's persistent to be by her side.

And between being scared and happy, she sided scared and doubts. Natatakot siya. Natatakot siya para sa bata at sa kanyang sarili. Hindi pa siya handang makarinig ng mga pambabatikos mula sa kanyang mga fans. Hindi pa siya handang bitiwan ang karerang kanyang sinimulan. Hindi pa siya handa. But looks like this is her karma. For playing boy's hearts. Kaya't heto siya, napipilitang mag-settle down. She can't afford to abort the child. Ayaw niya. She wants the baby to live, even after knowing Pamela's pregnant, too. And besides, hindi naman ito mangyayari kung hindi niya kinalantari si Lucas. It's her fault in the first place.

Wala sa sarili niyang hinimas ang kanyang tiyan. A lone tear fell on her cheeks that she didn't notice. Nanatili ang mga mata niya sa kalangitan habang dakma ang kanyan tiyan. Her mind is in chaos. Mas magulo pa sa mundo ang isip niya. She's damn happy when Lucas choose her but a part of her was scared thinking one day, Lucas will leave her.

Naniniwala siya sa kasabihang "what goes around, comes around". It's karma's motto. Kung paano niya nakuha si Lucas ay sa ganoong paraan niya rin ito mawawala. Kaya't ngayon ay patuloy niya itong tinutulak palayo. Ayos lang sa kanya na buhayin mag-isa ang bata. Malayo kay Lucas. Malayo sa katotohanang magiging bastardo siya ng kanyang ama.

Bahagya siyang napaigtad nang may magpatong ng jacket sa kanyang balikat. Nilingon niya ito at bumungad sa kanya si Lucas. He's already wearing a white shirt and pajama. Magulo ang buhok nito at amoy bagong ligo.

Series 01: Lucas ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon