Chapter 19

21.8K 860 126
                                    

Chapter 19

Buong araw ay nabagabag ang dalaga dahil doon. Matapos nila sa Starbucks ay kaagad siyang nag-ayang umuwi. Wala na siyang pakialam na iisipin ni Angel. She needs to rest. Parang tuluyang nagulo ang kanyang pagkatao matapos marinig ang balitang 'yon kay Pamela

And now she's more desperate to leave the place and leave Lucas.

She knows her limitations too well. Kahit malandi siya ay alam niya kung hanggang saan lang siya dapat pumapatos. Ayaw niyang masira ang magiging kinabukasan ng magiging anak ni Pamela. Ayaw niyang lumaki itong walang ama dahil sa kanya.

Xiana hugged her pillow tight and cried silently. Nasasaktan siya sa nalaman. Hindi niya na alam kung ano ang dapat na gawin. She badly wants him, but she can't. Dapat na talaga ay aalis na siya. Hindi na siya pwede pang manatili rito.

Bumangon siya sa kama at nagtipa sa kanyang phone. She texted Melody to book them a flight bound for South Korea. Kailangan na niyang umalis. The longer she stays here, the longer she longs to be with him.

After texting Melody, she went back to her bed and cried silently. Mugtong-mugto na ang kanyang mga mata ngunit hindi niya ito pinansin. This is her first heartbreak. At sino ba dapat ang sisihin? E siya itong humaharot sa taong malapit nang ikasal.

Someone knocked on her door but she didn't give a damn. Ayaw niyang humarap sa mga tao ngayon kahit pa sa mga magulang niya. Sa halip ay nagtalukbong siya ng kumot. She hugged her pillow and cried silently. This is the result of their game. Ito na ang aftermath na kailangan niyang harapin.

"Honey..." It was her mother's voice. Sinundan ito ng tunog ng pagsara ng pinto. "What's wrong, anak? Bakit ka nagkukulong dito sa kwarto mo?"

Naramdaman niyang lumubog ang kama. Kinagat niya ang unan upang mapigilan ang paghikbi. Her eyes feel like they won't run out of water. Para itong gripong walang kapaguran sa pagtulo.

"Anak, harapin mo si Mama. Kakauwi mo pa lang sa bahay tapos hindi ka naman lumalabas," she said.

Kaagad na bumangon ang dalaga at humarap sa kanyang ina. She's sobbing so hard and she feel like a little girl who was being scolded by her teacher. Kita niya ang pagbadha ng pagkagulat sa kanyang mga mata.

Her mother carresed her cheeks to wipe the tears. "Oh my goodness, why are you crying? You're ruining your beautiful face."

Walang pagdadalawang-isip ang dalaga. Niyakap niya ang kanyang ina at mas lalong umiyak. Hindi niya alam ang gagawin. She doesn't know how to act in front of her mother. Magmula nang magdalaga siya ay hindi niya nakasama ang kanyang ina. This is the first time she's been with her mom, and she's crying so hard.

"What happened? Bakit ka umiiyak, anak?" Her mother caressed her back.

Mas lalo siyang naiyak. Naghalo-halo ang nararamdaman niya. Ito ang unang pagkakataon na hindi si Melody ang umaalo sa kanya. This is the first time that her mom is now trying to calm her. Parang mas lalo siyang naiiyak. This is the very first time. Hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman. She's crying for both reasons. Dahil kay Lucas at dahil after twelve years, ngayon niya pa naramdaman ang mahigpit na yakap ng isang ina.

This is the reason why she doesn't want to get married and pregnant while she's still going on with her career. Ayaw niyang maramdaman ng kanyang anak ang pangungulila na sa kalinga ng isang ina.

"I feel so horrible, Mom." Humigpit ang kanyang yakap sa ina. "I feel so bad for everything."

Patuloy pa rin sa paghahaplos ang kanyang ina sa kanyang likod. Ganito pala ang pakiramdam na ang niyayakap at pinapagaan ang loob ng ina. It's calming and heartwarming.

Series 01: Lucas ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon