Chapter 12

27.3K 852 148
                                        

Chapter 12

"Closer!" sigaw ng cameraman.

Mas lalo siyang hinapit ng binata palapit. Nakadapo ang kamay nito sa kanyang lantad na likod habang siya ay nakahawak sa balikat ng binata. Sobrang lapit ng kanilang katawan habang nakatitig sa isa't-isa.

"Your brother will kill me," nakangiting sambit ni Cupid.

Natawa rin si Xiana sa usal nito. "No, I don't think so."

The flashing of camera continues habang sila ay nakangiti sa isa't isa na parang normal lang ito sa kanila. Gwapo si Cupid. Kahit saang anggulo ng mukha nito, wala kang maipipintas. Ngunit kung sa pag-uugali ang usapan, well Cupid Montero is a walking heartbreaker. 'Yan lang ang masasabi niyang kapintas-pintas sa binata.

"Sino ka-fling mo ngayon?" tanong ng dalaga kasabay nang pagbago ng kanilang posisyon.

Cupid is now hugging her from behind, placing his chin on her bare shoulders. She can feel his breathing on her chest, but she pays no attention to it. Mabuti na lang at hindi epektibo ang charm ng binata sa kanya. Kay Lucas lang kakalampag ano ba.

"I have none," he replied.

Napapikit ang dalaga nang dumampi ang labi ni Cupid sa kanyang tenga. Matapos ay inangat ni Cupid ang kanyang isang kamay upang tabigin ang baba ng dalaga. Xiana tilted her head as if they were about to kiss.

Dahil sa kanyang posisyon, dumapo ang paningin niya sa isang binatang prenteng nakaupo sa isang silya at pinapanood siya na may madilim na expresiyon. Wala sa sariling napahawak siya sa braso ni Cupid na nakapalibot sa kanyang beywang.

"Hey, are you alright?"

Napalunok siya at sunod-sunod na tumango. Muli siyang sumulyap sa gawi ni Lucas at napansing kausap ito ni Melody. Kausap ngunit na sa akin ang ang mga mata? Weird.

"Miss Xia!" the cameraman yelled. "Another position."

Napabuga ng hangin ang dalaga at pilit na ipinagsawalang bahala ang mga titig na natatanggap niya mula sa binata. Sa halip, itinuon niya ang atensiyon kay Cupid katulad nang ginawa niya kanina. Dapat niyang isipin na wala rito si Lucas.

Humarap siya kay Cupid at ipinalibot ang kanyang braso sa leeg nito. Hinapit naman siya ng binata sa beywang at yumukod para magpang-abot ang kanilang ilong. She closed her eyes and tried her best to pretend she's wasn't affected by his fucking presence and gaze.

The flashing of the camera continues. Pinilit niya maging propesiyonal dahil nakakahiyang umaktong parang tanga e galing pa naman siya sa ibang bansa.

Muling sumenyas ang cameraman ng "next" kaya't mabilis na gumalaw ang ulo ni Cupid. Dumampi ang tungki ng ilong nito sa kanyang leeg na ikinakiliti ng dalaga. She can hear the screams coming from the people around them. Parang kinikilig.

Ngunit ang tili ay nauwi sa singhap nang makarinig silang lahat ng pagkabasag ng bagay. Sabay na lumingon si Cupid at Xiana sa pwesto ng mayor na nakatayo at parang wala lang. Sa tabi nito ay may nabasag na ilaw.

"Natabig ko. Sorry," malamig na sambit nito. Wala sa sariling mapaatras ang dalaga nang bumaling sa kanya ang mayor at sinamaan siya nang tingin bago nagmartsa palabas ng studio.

Nagkatinginan sila ng kanyang Manager na parang nasindak sa inasta ng binata kanina. Habang ang braso naman ni Cupid ay nanatili sa kanyang bewang upang alalayan siya.

"Who's that?" Cupid asked.

Ngumiwi ang dalaga at umayos nang tayo. "He's Mayor Clemente. The Mayor of Romblon."

Series 01: Lucas ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon