Prologue

30 2 0
                                        

×××

"HOY, ANO suot mo bukas? ID Pictorial daw, eh."

Itinigil ko ang akmang pagsubo ng kanin at hinarap ang nakapanghalumbaba na si Jing.

"Damit." pilosopong sagot ko.

Pumalakpak siya habang nakangisi.

"Hanggaleng." sarkastiko niya pang dagdag.

Natawa ako. "Beh, ako lang 'to, ikalma mo, ha?"

"Mabulunan ka sana." irap pa niya.

Lalo pa akong napatawa.

"'Di ka ba naman gaga, siyempre complete uniform, duh!? ID Pictorial nga, 'di ba? Alangan namang bikini isuot ko ro'n." paliwanag ko habang inaabot ang float.

"Ay, bikini? Puwede 'yon, puwede! Malay mo balikan ka ni Nexus - oh, ayos ka lang? Dahan dahan lang kasi sa pag-inom, ano ba 'yan - shocks! Ang sagwa mo, Istel! May tubig na nalabas sa ilong mo!"

Hagod ko ang lalamunan ko habang nakaduro sa kaniya ang hintuturo ko.

"Alam mo, sa'ting dalawa, mukhang ikaw pa 'yung 'di maka-move-on eh, 'no?" naiiyamot na sabi ko sabay irap.

"Eh, kasi naman, sayang kaya kayo! Like, teh! Buong school kaya alam na kayong dalawa ay love birds, kaya naman walang mapangahas na sumubok na sirain ang bakod sa'yo ni Nex -"

Pinutol ko ang pagsasalita niya nang subuan ko siya ng fries.

"Noon 'yon, Jing, noon, as in letter n followed by two o and ends with n: noon!" pinitik ko ang daliri ko sa harap ng mukha niya.

"At isa pa, love birds ka r'yan! Hindi naman naging kami."

"Weh?" tanong niya habang nanliliit ang mga mata.

"Oo nga, ang kulit!"

"Sige, sabi mo, eh." alam ko ang ngiti niyang 'yon! Ngiting nang-aasar! Kulit ng babaeng 'to!

"Anong oras ka nga pala pupunta ng school bukas?" tanong ko para ibahin ang usapan.

"Hmm, siguro 9:45 para kaunti na lang ang tao. Ikaw?"

"9:45 na lang din."

"Oo nga pala! May transferee na naman, teh! At pogi ulit, like, shocksss! Ang guwapo talaga niya nung nag-register siya sa Main - ackk!" kulang na lang ay kumintab-kintab ang mga mata ni Jing habang nagkukuwento.

"Transferee? Kahit Third Quarter na?" nakangiwi kong wika.

"Oo, ah. Gaga ka talaga teh, sa Westalgia ang tinutukoy ko, sa branch niyo, tapos 'di mo alam? Ano ba 'yan!"

"Wow. Chismosa ka talaga, Jing. Ikaw na nasa Eastalgia nakasagap ng balita mula sa'ming taga Kanluran? Ako nga 'di alam na may transferee kami."

"Wala kang kuwentang taga West, beh. Lipat ka na nga ng Eastalgia!" tawa pa niya.

Napailing na lang ako at natawa rin.

'Di puwede 'yon, eh.

"Siya nga pala, gusto mo ba ipakilala kita? Pogi talaga siya teh, promise!"

"Bonak! Ayoko, 'di ako interesado," sagot ko at sinawsaw ang fries sa gravy.

Fries sa gravy... May bigla tuloy akong naalala.

Ano ba! Catsup dapat, Gyshtel! Catsup! Hindi gravy!

"Pero, teka? Ipapakilala mo ako? Paano mo gagawin 'yun kung 'di naman kayo close, aber? Assuming yarn?" tumawa pa ako para asarin siya pero hinawi niya lang ang buhok niya sa tainga.

"FYI, beh, friend na kami sa Facebook, at nakalaro ko na rin siya sa ML. Nag-follow back na rin siya sa IG ko at nag-retweet pa siya sa tweet ko kahapon." kumurap kurap pa si Jing habang nagkukuwento na para bang nang-iinggit.

"Grabe -"

"At, nakalimutan ko! F-in-ollow ko rin siya sa TikTok."

Napasubo na lang ako ng tatlong fries nang magkakasabay sa sinabi niya.

"Hmm~ 'di pala interesado ah, pero kung makapagtanong - sabagay, bakit ka nga naman magkakainteres sa ibang mga lalaki kung ang isip at damdamin mo ay naka-focus kay -"

Tumikhim siya at sumubo rin ng fries nang masalubong niya ang masama kong tingin sabay lingon sa likod ko.

"Naka-focus kay study! Duh, kanino, saan at sino pa ba?" palusot niya habang nakatingin sa likuran ko.

Likuran ko?

"Hello!"

"Ah - oy, Jeck!" bati ni Jing.

"Hi, Jing! Oy, kasama mo pala si Istel!"

Ah, si Jeck lang pala-

Teka...

ANO!?

SI JECK?!

'YUNG TROPA NG LALAKING 'YON!?

IBIG SABIHIN, NANDITO RIN SIYA -

"Oh, Jing ikaw pala. Sino 'yang kasama mo?"

Ang boses na 'yun...

"Nexus! Naks, pogi natin ngayon, ah?!"

Napahigpit ang hawak ko sa coke float at dahan-dahang sumipsip nang kaunti.

"Upo kami, ah?"

"'Ge lang! Kami lang naman dito, eh."

Gusto ko nang umalis.

Nahigit ko ang hininga ko nang maramdaman kong may tumabi sa'kin. Hindi ko kita dahil nakatingin ako sa gilid, iniiwasang ipakita ang mukha ko, kahit alam ko namang alam nilang ako 'to.

Ano ba naman 'to! Ba't naman kasi sa dami dami ng pagkakainan namin ni Jing dito pa talaga kung nasan siya!?

"Siya nga pala, Istel -!

"BAKLA KA!"

Agad akong napatakip ng bibig nang mapagtantong nakuha ko na ang atensyon ng lahat ng nandito sa sobrang lakas ng boses ko.

"Oy, 'di ako bakla!"

"Ano ka ba, Jeck!? 'Wag ka ngang manggulat!" inis na bulong ko sa kaniya.

Nakakahiya!

"Kinulbit lang kita, 'di kita ginulat." nakanguso niyang paliwanag sabay agaw ng fries na hawak ni Jing. Napanganga tuloy ito.

Rinig ko ang hagikhik ng katabi ko.

"Magugulatin ka pa rin. Wala ka pa ring pinagbago."

"Ikaw lang naman 'yung nagbago," sagot ko habang nakatingin nang diretso sa mata ni Nexus - charet! Joke lang. Hinding hindi ko sasabihin 'yan, 'no. Ikamamatay ko 'yun.

"Ganito ako eh," 'yan ang tunay na sinagot ko.

"'Nga pala, Nex. Ilapag mo nga rito 'yung mga librong binili mo."

Libro?

Napatingin ako sa hawak na paperbag ni Nexus.

Libro nga, at tatlo 'yun.

Naalala ko tuloy dati, binigyan niya ako ng libro -

"Teka, 'di ba may ganito ka ring book, Istel?"

"Ha?" tiningnan ko ang ininguso sa'king libro ni Jing.

Magkahalong emosyon ang naramdaman ko nang makita ang libro. Ang librong DEMIGODDESS na isinulat ni erinedipity, ay ang unang librong ibinigay sa'kin ni Nexus noong . . .

"Oh, eto nga 'yun! 'Di ka naman mahilig magbasa ng libro, ah. Kanino mo naman 'yan ibibigay?" si Jing.

Ngumiti si Nexus.

"Sa nililigawan ko."

Noong panahong ako pa ang tinutukoy niya, sa sinabi niyang 'yan.

=

I was Once a SophomoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon